Skip to main content

Gantimpagal, gantimpala

IBA ang kunat ng kawayan kung ihahambing sa tibay ng laman—28,000 PSI sa kawayan o ganoon karaming libra ang kailangan para bumigay ang isang pulgadang parisukat ng kawayan. Mas matibay pa nga ang kawayan kaysa bakal na bibigay kapag tinuunan ng 23,000 PSI. Tila tangkay ng kangkong ang buto ng tao, lasog sa isang PSI lang. Paano na lang ang malambot na kalamnan?

Samantala, hindi dapat lumabis sa 30% ng timbang ng tao ang bigat na dapat niyang balikatin nang matagalan. Kung 100 libra ang timbang, sapat nang 30 libra ang ihahapit na bigat ng dalahin sa likod o balikat. Panganib na sa kalusugan kapag pilit na babalikatin ang labis na bigat na unti-unting ngangatngat, dahan-dahang gugutay sa mga himaymay ng laman.

Maglalaro sa diwa ang ganitong tuusan tuwing magugunita ang pagsalok ni Ama ng tubig noon para sa araw-araw na pangangailangan. Mahigit sa 2/3 na bahagi ng utak ay tubig. Higit sa 2/3 na bahagi ng katawan ng tao, tubig din. Higit sa 2/3 na bahagi ng daigdig, tubig pa rin! Tatanim nang tuluyan sa utak ang 2/3. Tuldok muna saka 666… Kakila-kilabot na sakmal ng mga bilang ng Halimaw!

Sandosenang 26 na kilong balde para punuin ang isang tuong sa araw-araw. Kilo. Hindi libra. Halos 60 libra ang katumbas ng 26 na kilo. Walang pinsala sa kalamnan at pangangatawan kung 200 libra ang timbang ng magbubuhat ng 60 libra. Pero 120 libra lang daw ang bigat ni Ama.

Sandosenang pabalik-balik mula iniigibang poso hanggang bahay na may isang kilometro ang layo. Pumapatak sa sandosenang kilometrong haba ng lakarin. Araw-araw!

Tiyak na naliligo sa pawis at humahagok sa pagod si Ama matapos ang ganoong tatlong oras na penitensiya bawat umaga. Kapag nasumpungan na may magpapasalok, kikita nang konti. P24 kapag nakapuno ng isang tuong, papatak na P720 sambuwan.

Hindi na nga ako umaangal na matokahan sa pagbabayad ng tubig sa aming bahay. P500 lang nga sambuwan. Walang kahirap-hirap ang pagpihit sa gripo para magkatubig.

Meron daw gantimpagal o sukli sa kanyang pagod. Ituring na gantimpala. Damang-dama raw niya ang sagitsit-bulwak-buhos ng endorphin o ang tinatawag na happy hormone sa kanyang utak. Maluwalhati raw ang pakiramdam niya matapos ang bawat igiban. Very refreshing daw. Parang walang kahulilip na kaligayahan—na hindi matatawaran ni mababayaran. Endorphin din nga pala ang bumubulwak sa utak sa kasukdulan ng umaatikabong barukbukan!

Iyon daw ang lihim ng mga Dominikano at Trappist monks na limang oras sa araw-araw na isusubsob sa walang puknat na gawain ang katawan. Ganoon daw ang talagang mataimtim na dasal.

Sabi nga nila: Orare est laborare, laborare est orare. Gawain ay dalangin, dalangin ay gawain.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...