Skip to main content

Salpukan

Salpukan

SA salpukan nauuwi ang pag-ungkat sa anumang tinutumbok ng mga programa sa telebisyon. Hindi naman kasi matiyak kung inaasinta nila ang karaniwang miron sa pagitan ng dalawang tainga, sa pagitan ng mga tadyang o sa pagitan ng nakabukakang hita.

Ipinipilit ng nakatatanda kong kapatid na para daw sa masa. Nagsusulat at nananaliksik kasi siya para sa isang programa ng Kapuso. Dati siyang Kapamilya. Bihasa na sa gawaing pantelebisyon. Sabi’y masa daw ang talagang inaalayan ng mga programa ng alinman sa mga nag-aangkas sa daan-libong boltahe ng kuryente.

Masa din naman ang tawag sa pinaghalu-halong arina, lebadura, mantekilya, gatas, itlog, asin, at iba pang sangkap para sa lulutuing pan de salsal (kailangan na ng ganitong paraan para lumaki ang naturang tinapay na unti-unting nanliliit) monay, pinaputok o pan de regla. Hindi kailangan ng panakip-butas sa huling nabanggit.

Kung masa ang talagang nais makinabang sa alay na panoorin, dapat na parang lebadura ang epekto sa masa. Umaangat. Umaalsa. Lumalago. Sinasalinan ng hangin para makahinga. Ganoon ang bisa ng lebadura, brewer’s yeast o leavening sa masa na isasalang sa pugon.

Maiisip kasi na hindi bisa ng lebadura ang epekto ng mga programa sa masa.

Baka kasi shortening. Ito ‘yung mantikang baboy na haram o bawal sa mga Muslim. Baboy kasi.

Saka malakas ang kutob sa epekto ng shortening. Pampaikli ang ibig sabhin ng shortening. Kahit sabihin pang pampadulas din, baka umikli lang ang papahiran nito. Sa halip na ocho-ocho pulgada ang sudsod na ipang-aararo sa tigmak na bukirin, maging quarto pulgada lang. Hinagpis ng lapis. Mabibitin ang monay kung hanggang bukana lang ang papasukin.

May kani-kaniya tayong paninindigan. May mga layunin at bagay na pinapahalagahan o values system. Matagal na akong nanghinawa sa mga layunin, pakay at bagay na binibigyan ng halaga ng mga pinagsawaang programa. Trivia o walang kapararakang kuntil-butil ang masasagap sa talk shows, lalo na kapag tinalakay ang buhay-artista. Dysfunctional families o mga wasak na pamilya naman ang inihahain ng drama.

Tunog ng nagsesermon ang buga ng bunganga ng mga tagabasa ng balita. Pero mababaw din at walang insight sa pag-uulat.

Kung masa ang talagang hahainan ng ganyang mga putahe para lumusog ang isipan, baka naman para lasunin ang isipan ang talagang puntirya nila.

Kung masa ang talagang nais makinabang sa alay na panoorin, dapat na parang lebadura ang epekto sa masa. Umaangat. Umaalsa. Lumalago. Sinasalinan ng hangin para makahinga. Ganoon ang bisa ng lebadura, brewer’s yeast o leavening sa masa na isasalang sa pugon. Para maluto.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...