Skip to main content

Mag-ama

NAKATAYA ang aking pusta kay Erik “El Terrible” Morales. Maliit na halaga lang. Para may sumalungat naman kay Emmanuel “Pacman” Pacquiao sa kanilang basagan ng mukha ngayong Linggo.

Aaminin kong mas may tiwala ako kay Morales. Hindi man niya ginutay ang hilatsa ng mukha ni Pacquiao sa unan nilang salpukan, umihi naman ng dugo ang hinirang na pambansang kamao ng Pilipinas. Baka tuluyang natigok si Pacman kung sakali matapos ang una nilang paghaharap.

Sariling ama ang naghasa ng talim ni Morales sa unang salpok kay Pacquiao. Gusto ko ang ganoong father-and-son bonding. May antig ‘yon sa marupok na family values na umiiral sa ating bansa. Sariling ama rin ang tagasanay ng isa ko pang paborito, si Floyd Mayweather, Jr. na parang lintik kung sumagitsit ang kamao kapag pinakawalan sa kasagupa.

Lalong umangat ang paghanga ko kay Mayweather nang malaman na tatay pala niya ang katulong niya para bumuo ng plano ng pakikipagsagupa. Mahirap iwaksi na may matibay na bigkis silang mag-ama.

Ni hindi ko kailanman narinig na nagpasalamat si Pacquiao sa kanyang tagasanay, kay Freddie Roach. Bukod sa sariling kakayahan at talino, iba na ang may magaling na fight strategist.

Isa sa mga pinakamahusay na fight strategist sa mundo si Roach. Pero tahasang commercial transaction ang namamagitan sa kanila ni Pacquiao. Tutumbasan lang ng pera ni Pacquiao ang mahusay na serbisyo at mainam na fight strategy ni Roach.

Hindi lang transaction kundi transformation ang umiiral sa samahan ng mag-amang Morales. Bagsak ang anak nang hindi ama ang nangalaga sa kanya. Sa pagkakataong ito na mapapanood sa Linggo, magkasama na sa bakbakan ang mag-ama. Para sa akin, malalim ang kabuluhan at kahulugan niyon.

Pustang pera lang ang matatalo sa akin, kung sakali. Walang talo ang mahusay na samahan ng mag-ama. Kahit pa pareho silang malugmok sa bakbakan. Mas matibay at mas matindi ang samahan na may makatuturang transpormasyon kaysa kalakalang transaksiyon.

Ganoon ang makikita kong antas ng laban.

Iniulat nitong 2005 ng World Bank ang mga bansa na tumanggap ng dollars mula sa kani-kanilang migranteng manggagawa. Una ang India ($21.7 bilyon). Kasunod ang China na nagkamal ng $21.3 bilyon. Ikatlo ang Mexico, $18.1 bilyon. Pang-apat ang France, $12.7 bilyon at ikalima ang Pilipinas, $11.6 bilyon.

Ituturing kong parehong pambatong OFW sina El Terrible at Pacman na magsasalin sa kani-kanilang bansa ng tumataginting na dollars.

Pero kay El Terrible at sa kanyang ama, sa father-and-son bonding nila ang aking taya at tiwala. Walang talo doon.

Amigos, vamos golpemos cojones!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...