Skip to main content

How kulam I!

NAGBALIK-LOOB na pero hindi nakalaboso ang mangkukulam na kinapanayam noon ni Ama.

Sinibasib daw niya kasi ang mga aklat ni Carlos Castañeda hinggil sa kakatwang pananaw ng mga mangkukulam sa daigdig—Weltanschauung yata ang tawag doon—at umiiral na katotohanan. Kamukat-mukat, kathang-isip lang pala ni Castañeda ang mga brujo na gumabay sa kanya.

May sanaysay din ang bayaning Dr. Jose P. Rizal hinggil sa kulam. Pero hapyaw lang. Hindi masinsinan ni masusi ang pagbungkal sa anumang diskarte ng pangungulam.

Baka naman kasi kulang sa ulam. Pinaikli. Naging kulam. Tiyak na santimbang tubig at isang P5 na pakete ng instant noodles ang tahasang paraan sa kulam, lalo na sa panahong ito.

The genuine item pero born-again Christian na ang ex-mangkukulam na naisalang ni Ama sa tactical interrogation.

Marami raw kasing itinumba. P5,000 lang bawat ulo. Ganoon lang kamura ang buhay ng papaslangin. Nakapundar nga ng bahay at lupa. Kumita talaga mula sa pagkalakal sa kakatwang kakayahan. Talagang nakarami. Umarangkada ang negosyo.

Paslang, pagpatay. Pagpasilang, pagpupugay sa buhay.

Ganda babae na tubong Cebu ang naturang tirador. Paktol daw ang tawag sa kanyang pamamaraan. Tila apoy na iipunin—mula sa Nihongo ang ippon, one kill point ang katumbas—sa diwa at dibdib ang sulak ng ngitngit. Saka saltik na paiigkasin patungkol sa ililigpit.

Ganoon kadali?

Ganoon kadali. Karaniwang sa hindi raw maipaliwanag na sakit natitigok ang biktima.

Nasa dakong kaliwa umano ng mangkukulam ang napariwarang anghel na naghahatid ng kalatas ng kamatayan sa bibiktimahin. Karaniwang humahaginit na special delivery na daig ang pinagsanib na Fedex at UPS—Fed up at sex. Para agad na tumalab ang death wish.

Kaya nga kinukutuban ako sa madalas awitin ni Ama na pampatulog noong ako’y sanggol pa lang. Enter Sandman. Metallica ang bumanat. May bahaging dasal na umaantig sa guardian angel. Pero may kambyo. Hush pretty baby don’t say a word. And never mind the noise you’ve heard. It’s just the beast under your bed, in your closet, in your head…

Kinulit daw nang kinulit ni Ama ang seksing Cebuana.

Hindi ibinigay. Pero bumigay.

For the sake of anthropological research kuno ang pakay. Hindi pa raw kasi dumarating ang mga Español sa ating lupalop, meron na raw tinatawag na mga babaylan at katalonan. Iginagalang, kinatatakutan sa kanilang kakaibang kapangyarihan. Iyon daw ang mga sinaunang mangkukulam.

Sayang daw kung tuluyang mawawaglit ang kanilang natatanging kaalaman. Pati ang kanilang mga pamamaraan.

Kailangan daw sinupin.

Subukan din paminsan-minsan. Sabi nga yata ni Francis Bacon, “knowledge is power.”

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal