Skip to main content

Suwag-buwag sa tradisyon

PASLIT pa kami noon, hihimukin ni Ama na sumayaw-sumabay sa ilang galaw mula hung gar kung fu ng dalubgurong Wong Fei-hung. Sa iglap na igkas ng bisig at pihit ng baywang, gagagarin ang magkasanib na marahas na hampas at mayuming kislot ng alon.

Bibira pa a la Gregorian chant kasabay ng galaw ang isang salitang ugat mula Sanskrit. Tumutukoy daw sa tubig. Nananawagan. Taimtim na humihiling ng ulan. Maski buhos ng unos. Payag kahit todo delubyo.

Sanlinggo yata kaming magpapagpag ng mantika’t magpapatagaktak ng pawis sa ganoong ritwal bago sumapit ang Disyembre 31, bisperas ng bagong taon.

Kahit paano’y nasusuklian ang hirap namin ng katiting na ambon—na tahasang pagsuwag o mapangahas na pagbuwag sa pyrotechnic tradition para salubungin ng kasalaulaan ang pagpihit ng taon.

Talamak na air pollution daw ang nakagawian ng Filipinoise para magpaalam sa lumang taon, sumalubong sa bagong taon. Salaula raw ang ganoong gawi. Na hindi inuungkat, hindi sinusuri.

Malalagasan naman ang bulsa ng P15,000 pamasahe sa PAL—sana’y mabasa ito ng mga kabig ni Dr. Lucio Tan-- kung lilipad sina Mama at Ama papuntang Davao City para sumalubong sa bagong taon. Ipinagbawal na kasi doon ang paputok. Kaya tiwasay at malamyos na sasapit sa mga tagaroon ang simoy-amihan sa halip na ingay-alingasaw at sambulat-sansang ng pulbura’t ligalig.

Hindi pa namin kayang gumastos ng mga P5 milyon para umupa ng eroplano’t bumili ng saku-sakong asin para sa isasagawang cloud seeding. Para magpabuhos ng ulan kahit sa paligid lang ng aming tahanan. Para huwag nang magdamay pa.

Kasi’y kami lang yata ang may kakaibang hilig. At pananalig. Hangad namin na buhos ng biyaya mula kalangitan ang magiging muhon sa unang araw ng bawat bagong taon. Para tuloy-tuloy na agos-buhos ng biyaya sa buong taon.

Sa isang agricultural research facility sa Puguis, La Trinidad, Benguet manunuluyan sina Mama’t Ama ng ilang araw hanggang sa pagpasok ng 2007. Babakasyon sa 50-ektaryang latag ng bulubunduking lupain sa Cordillera.

Cloud forest pa raw doon—suson-suson ang namumuong ulap tuwing hapon. Ligid ang lunan ng mga huklubang pine trees. Coffea arabica, lemon, lime, mandarin at ponkan oranges ang nakataliba sa pagitan ng mga pino. May mga bahaging inilaan sa iba pang pananim—kamatis, repolyo, pimiento, sayote, leeks, strawberries, mga halamang ornamental at namumulaklak.

Every stretch of the terrain throbs with teeming life. Doon sila gagalugad. Maghahagilap ng mga binhi ng pino o mga laglag na bulaklak ng sanggumay.

Sa ganoong tanawin sila maghihilamos, magkakatkat ng mga natipong agiw sa paningin at pananaw.

Sa halip na walang saysay na paputok, pulos kuliglig, samut-saring huni ng kulisap, at patak ng namuong hamog mula bubong ang maririnig sa kahabaan ng magdamag. Hahaplos ang mapanlunas na musika sa dibdib at utak.

Saka may banayad na buhos ng ulan tuwing sumasapit ang paghuhunos ng taon. Iyon ang talagang pakay nila sa pagtungo sa ganoong liblib na lupalop.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...