Skip to main content

UNIFORMALDEHYDE

HUHUBARIN lang ang uniporma pagkatapos ng laban… mas masaya nga ‘yung laban na…uh, umpisa pa lang, hubad agad… at umaatikabong salpukan ang kasunod… na talagang kalugod-lugod hanggang gulugod.

Pero matagal nang bisyo ‘yang liga kapag bakasyon ang kabataan… tiyak na parang mga kandidato na magsasadya sa mga bahay-bahay. Hihingi ng limos. Pambili ng uniporma. Basketbolahan… na tinukoy minsan ng katotong Yen Makabenta na, “pathology.” Talamak na sakit.

Kaya pinaghahandaan ng pang-embalsamo ang mga tiyak na matitigok.

Uniformaldehyde solution!

Nahirang nga minsan bilang tournament director-chief arbiter sa Palaro sa Senado… gulantang ang mga kasamahan sa aming chess team nang mapansin nila na kami lang ang hindi nakauniporma… ba’t hindi raw ako umungot ng budget para do’n.

‘Kako’y ano ba’ng gusto n’yo, uniporma o laban?

Nang mahawi ang usok sa huling araw ng palaro, dalawa sa tropa ang pumitas ng medalya… aba’y talagang araw-araw na isinalang sila sa paghahanda bago sumagupa sa matinding paligsahan… ‘yung mga kabilang sa tropang todo-bihis, ipagpaumanhin na hanggang sa bihis lang pala.

Para nga tiyak na walang abala’t aabalahing bulsa sa uniporma, ako ang isinabak sa languyan… breast stroke… h’wag nang ungkatin kung anu-ano ang mga sukat ng pinaglalamutak para humakot ng medalya.

Nagbibihis habang nakamasid ako sa kanya, si Tinay Maralit na maghahasa ng mga paslit na lumahok sa summer taekwondo class ng National Press Club. ‘Kako’y umabot ako sa ikalawang antas ng kuro-obi or blackbelt rank in shorin-ryu karatedo… na hindi nakatikim na magsapin sa katawan ng uniporma… ‘yung mga aralin at kabihasaan lang ang lubusang sumalin sa katawan… hanggang sa mga himaymay ng laman.

Aba’y it takes some four years—give or take a few months—to get into the spirit of a ritualized execution of technique… ba’t pa kailangang bihisan ng uniporma… vital essence takes precedence and significance over put-on appearance, mwa-ha-ha-haw!

And with so many techniques to perform many times over, praxis takes an entire lifetime… hindi ‘to bisyo o libangan na pampalipas lang ng buryong sa tag-araw.

Wala pang P50 ang nalagas sa bulsa, chess set… iniregalo sa inaanak, na matindi ang bigat ng kamao… nagtagubilin sa kumare na sanayin ang bata sa ganoong laro… kailangan na maging matindi ang gagap sa mga pihit ng pagkakataon sa bawat tulak, tambang at abang ng mga puwersa.

Kapag nahasa ‘kako ang inaanak sa laro ng isipan, isusunod naman ang laro para mahubog ang pangangatawan… basic drills in the fighting arts that should entail a lifetime of dedication. That ought to build character. Steely character.

Mainit ngayong tag-araw… parang sumusuot na singaw ng masiglang apoy sa tunawan ng metal sa pandayan… pero ang mga tulad ng inyong imbing lingkod, matagal nang nahilig sa paglalaro ng apoy, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...