Skip to main content

Bulag kikita

MAY tagabulag at tagabulog sa balita na umabot daw sa $2,000 ang karaniwang kita santaon nitong 2010—enunciated as seamy sounding two-oh-ten—ng bawat Pilipino, mwa-ha-ha-haw!

Batay daw ito sa pagbubuhat ng sariling bangko, este, benchmark… gross domestic product na sumampa sa may 7.5% kaya umangat ang kili-kili, este, ang kabuhayan daw ng sambayanan— the operative word in GDP is gross o garapal.

May tagabulag sa balita—hindi kasi makikita kaya pilit na sinasalat, kinakapa, dinadakma yata ang anumang matambok na laman sa pagitan ng ibinukakang wallet… such economic analysis stems from paralysis, something’s got to turn stiff in such a process that shouldn’t be heard as it’s obscene.

Manigas ka! (Uh, even such an invocation won’t do any good to mental faculties beset with erectile dysfunction, mwa-ha-ha-haw!)

May tagabulog sa ganitong balita, we just went through a thorough… sa’n pa nga ba iduduldol ang ganyang ibinabandila kundi sa hiwa?

Trotting out GDP as indicator of a nation’s economic health has gone effete. Monies and sums can be thrown like caution to the winds for the most whimsical ends, say, to convince the electorate to vote for a convicted plunderer, pave the highway to hell with political intentions, or ask all and sundry, “naranasan mo na bang maligo sa dagat ng basura?”

Parang apoy lang ang GDP, kapag sinulsulan ng gatong—sisigla ang liyab… kahit walang pagkain na naluto.

Gano’n ang nangyari nitong 2010—naglustay-laspag ng sandamakmak na kuwarta. Walang inilaan bilang puhunan sa lalagong negosyo. Walang itinustos upang mapalaki’t mapadami ang mga mumunting industriya. Hindi napatibay ng bagong suhay ang mga haligi ng pambansang pamumuhay… kalusugan, kabuhayan, edukasyon.

Edukasyon? Aba’y masusukat ang lumalaking bilang ng mga bobotanteng gunggong nitong 2010… muntik nang maungusan ang naging Numero Unoo ng tutulog-tulog na senador na naging Numero Uno…

Umangat ang GDP, hindi umangat ang Pilipino.

Sabi nga ni Pablo Picasso hindi natin sisimulang mahalin ang sinumang babae sa pagsusukat ng mga numero sa katawan… susuyuin, bibigyan ng pagpapahalaga at kakalingain upang lalong tumingkad ang kanyang mga taglay na katangian.

That’s where the so-called Human Development Index (HDI) espoused by the United Nations and the Gross National Happiness (GNH) plied out by Bhutan, a kingdom in the Himalayan mountains get a better grip on what really works for people.

Nakatuon ang HDI at GNH (whose “most important goal is the peace and happiness of our people and the security and sovereignty of the nation”) sa pag-unlad ng tao—hindi pagkuwenta sa ginugol na kuwalta.

Kapakanan ng taumbayan ang tahasang batayan ng pagsulong ng bansa.

Professions of undying love or lust, indecent proposals, invitations to liquor-tasting sessions, PRoblem-solving tasks, marching orders, notices on collectible checks and airline tickets for two may be coursed through 0909-4777-438, 0929-4266-091 or noqualmasabomb@yahoo.com,
mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...