Monday, April 11, 2011

Sibat ng tadhana

TATLO lang kami sa Samahang Centurion (SC, ginamit na ang baybay Español, baka sabihing kabig kami ni Hitler na mahilig sa sariling sikap kung S.S. ang ipaparada). Nangako sa isa’t isa na aabot kami sa edad-100 o higit pa.

Hindi sa kutob na lulusot ang nakasalang na panukalang batas na magbibigay ng P1 milyon sa sinumang Pilipino na aabot sa ganoong edad… saan pa gugugulin ang ganoong halaga kung ni hindi na makatindig, maipasok ang astig na…

T-t-teka, astig talaga ang mga kawal ng Roman Empire kahit noong panahon ni Kristo… centurions do day-long marches lugging armaments and provisions over half their body weight, aba’y marami na ngayong batugan na halos gumapang sa bigat ng sariling bayag, mwa-ha-ha-haw!

‘Yun nga palang panukalang gantimpala na P1M, mas magandang palitan na lang… mas mainam na itakdang batas sa mga korporasyon sa bansa na bigyan pa rin ng hanapbuhay—at matinong sahod-- ang mga nasa dapit-hapong edad, kung gusto pa nilang mag-ambag ng kakayahan at kaalaman sa pambansang kabuhayan…

Sa sulipat na tingin kasi ng human resource development managers in our strangled neck of the woods, wala nang ibubuga ang nasa edad-40 pataas. So they’re giving all the opportunities to raw recruits in their 20’s, and they expect them to have the experience and the mettle for the métier.

Eh, paano naman kaming may matinding disiplina ng centurion? It takes such ruthless discipline to gain compassion.

Gunita na rin sa semana santa ang habag na ipinakita ni Longhinus, centurion na sinalaksak ng sibat ang tagiliran ng nakapakong Kristo… para matapos na ang paghihirap nito… kamukat-mukat, ang ulo ng naturang sibat ang naging agimat daw ni Adolph Hitler sa kanyang tangkang pagsakop sa buong mundo… at sinumang magtataglay ng naturang spearhead, kakasihan daw sa pagkakamit ng global military power.

And a centurion wielded such an amulet for global conquest to bring cessation to the agony of the world’s Redeemer…


It takes metal mettle to be a centurion… ‘yung may itatagal sa mahinahong sikad ng panahon.

Sa isang kasapi namin muling narinig na nabanggit ang kataga na higit sa 50 taon nang nakabaon sa guni-guni’t gunita… shibumi. Effortless perfection ang isang katuturan. Matimpi, masinop na paglalapat ng kakayahan sa mga mumunting gawain ang isa pang katuturan.

It’s a deeper down-to-earth way of life… and you can only go to such depths of a down-to-earth lifestyle by taking on responsibilities, a ton or two gets you weighed down, keeps both feet firmer on the ground, mwa-ha-ha-haw!

Para talagang kawal noong panahon ni Kristo… kayang pasanin ang bigat ng mga dalahin sa mga maghapon at magdamag, tungo sa kung saan-saang larangan at lupalop na lulupigin.

The onus of heavy responsibility can bear down on the shoulders but won’t wear down, even uplift the bearer…

No comments: