PINAKASUWERTENG araw daw sa 2011 ang Abril 6 kaugnay sa maliyab na pagtatalik ng Araw at lagalag na Jupiter… nasa tugatog ang bulwak ng magkasanib na alimuom o katas nila sa pagitan ng alas siete’t alas nueve ng umaga.
Mapapasagunson—katagang Batangan ‘to, “sunduin” o “dalhin pauwi” ang kahulugan—ang ningning at ningas ng Araw kasanib ang pag-unlad at kasaganaan na hatid ng Jupiter kung gagawin ang isang payak na ritwal… ang paglalapat ng balintataw o inla sa mata ng dragon.
Hindi na kailangang bumili pa ng imahen o pigurin ng dragon sa Chinatown… download na lang sa Internet, naglisaw do’n ang samut-saring imahen ng dragon… ‘yung mga nais makatipid, puwede na ring lapatan ng balintataw ang mata ng kambal na dragon na nakataliba sa bukana ng Jones Bridge sa pagitan ng National Press Club at Philippine Post Office, o kahit ‘yung nasa bunganga ng Ongpin na nakatanaw sa simbahan sa Sta. Cruz…
Pinsel at tintang itim lang ang kailangan para lagyan ng tuldok na balintataw ang dragon… kailangan lang na may malakas na tugtugin na isasaliw habang idinuduldol ang brotsa (pinsel) sa mata ng imahen o pigurin… siyempre, masayang tugtog—sakto siguro ‘yung “I Want To Be A Billionaire” pero ‘yang pagwawalis-tambok, teka, masidhi (mula Sanskrit, saddha at siddhi, “disiplina” at “puspos ng liwanag na paham”) masinsinang pagbrotsa ay kailangan ng mas malibog na tugtugin… kaya mas angkop yata ang mga obra nina Antonio Vivaldi, Johann Sebastian Bach, Wolfgang Amadeus Mozart, at Richard Strauss… bahala kayo kahit “I Who Have Nothing” pa ang patugtugin n’yo, mwa-ha-ha-haw!
Sangkaterba raw ang nagbabasa sa pitak na ‘to, lalo na sa online edition… dahil yata sa mga ganitong pagsisiwalat. Meron daw antique value para sa mga mahilig maghalungkat ng kaalamang antigo.
Saka matagal ang tinatawag na period of obsolescence… kung ilang ulit daw binabasa ng mga nakatutok dito para lang maunawaan nang lubusan ang mga inilalahad. Lalim daw kasi.
Mas gusto raw nila ‘yung mababaw lang… ‘yung apat na pulgada lang sa kababawan because that’s the average length of the fifth limb for probing into lush, silken-wet depths… noblesse oblige. Ibinibigay ang hilig ng mga mahilig.
Dahilan: kung hindi maantig ang nasa pagitan ng dalawang mata, tiyak na mauuntag ang nasa pagitan ng dalawang hita…
Hindi na siguro uungot, uungkat pa ang mambabasa namin hinggil sa sagisag ng dragon… nakakubli ito bilang pantig sa katagang “tulong” at talagang marami—lalo na ang ilang nakaniig na dilag-- ang nangangailangan ng too long. Even for a short time.
Walang mawawala kung gagawin ang ritwal na inilahad… ilang patak lang ng tintang itim, ilang saglit na pagduldol ng brotsa, at ilang sandaling saliw ng liwanag at masayang musika.
Catch eternity’s bounty through a dragon’s eyes...
Comments