NAUNGKAT mo, Dax Cleofe, kung nagsusulat ako tungkol sa kalikasan. Kailangan. Dapat.
Technical paper para sa World Bank ang ipinasulat sa ‘kin nitong mga 1980, paglapat ng tinatawag na microclimate para sa paaralan, para angkop sa pagsasalin ng mga kaalaman ang iiral na lagay ng panahon sa paligid—hindi pa lumulutang noon ang mga usapin sa global warming, climate change, and anthropogenic-driven wreckage of environment.
Higit sa P10,000 ang tabo sa sinulat—malaking halaga sa panahong ‘yon. May naunang kita noong mga 1960 ukol sa ganoon ding kaalaman, P5 (malaking halaga rin para sa musmos na gaya ko noon) para sa sambigkis na tangkay at ugat ng makahiya na kinalap ko kung saan-saang parang… inilalaga pala ‘yon, iniinom ang pinaglagaan… ampat sa matinding agas-dugo ng bagong panganak na ina.
P10,000 o P5 man, there’s value that can translate to pesos and centavos out of intimate knowing of nature. Mas matindi nga ang ibang antas ng halaga batay sa feng shui, vastu at furyu… kapag malago ang paligid ng pamamahay, malago din ang pamumuhay… sa karaniwang gunggong na Pilipino, sasabihin agad na pugad ng ahas at lamok ang tahanan kapag maraming halaman at puno sa paligid…
Aba’y palpak na akala lang ‘yon ng gunggong. Marami nang bugok na natigok sa akala. Kung saan umiiral ang paglalapat ng kaalaman sa feng shui (China), vastu (India) at furyu (Japan), pansinin na todo-angat kaysa Pilipinas ang kabuhayan.
An’dali namang alamin kung anu-ano ang mga kaalamang ‘yon, para pakinabangan din natin.
Laro pa lang sa ‘yo ang taekwondo. Pero tiyak na nakabigkis din ang mga malalim na pamamaraan nito sa kalikasan, halimbawa’y taimtim na paglilimi—meditation. That can only be done with best results near a tree or a body of water… scientific explanation: negative ions that can recharge our bodies permeate the ambient air where there’s a stand of trees or where there’s moving water.
Punong akasya (Samanea saman or rain tree) raw ang pinaghahasaan noon ni Rep. Emmanuel “Pacman” Pacquiao ng kanyang kamao, hindi pa siya noon boksingero. ‘Yung punong akasya sa tabing bahay namin, ginawa kong makawara ang bulas, ipinaputol naman ng hindot na kalapit-bahay, makalat daw ang laglag na dahon… mas mabigat, mas malaki sa ‘kin ang katawan ng nagpaputol sa akasya—pero nagulantang pa nang buhatin ko siya pati kinauupuang silya (hindi ko naman ibinalibag o inilampaso)… hindi ibinunyag na sa akasya hinango ang ganoong lakas.
Pero sa feng shui, isinasaad na dinadaluyan ng lakas ng dragon at bangis ng tigre ang buong katawan ng punongkahoy… at hinahango ang bangis-lakas sa masinop na pagtatanim ng puno sa paligid ng pamamahay. It’s not an attempt to control the forces of nature, it’s an effort to harmonize with and harness nature’s energies.
Sa tulad mo na marami pang aalamin, matututunan sa taekwondo, isa sa mga pakay nito na maging sangkap ka rin ng kalikasan—ah, it’s not a striving to come to grips with nature, it is becoming one with, turning into a force of Nature…
By then, you become an act of God.

Comments