WIMPY lang ang mahilig lumantak ng hamburger—kaya yata hugis hippoputamus ang katawan… kaya maraming musmos na lumalaki nitong dekada 1960 ang nandiri sa kinagigiliwang lantakan ngayon. Nakahiligan naman ang pagkain ng kinagigiliwan ni Popeye, spinach—kahit pa mahirap makahagilap nito sa Pilipinas.
Pero marami namang katumbas ang naturang comfort food sa paligid—na damong ligaw lang kung ituring… itulos lang sa lupa, tutubo at lalago. Kabilang ang talbos ng sili, kamote, malunggay, uray o kulitis, lubi-lubi, lalaking bignay, kataka-taka, talinum, onte, kamote, kangkong, saluyot, mustasa, alugbati… pawang nanlilimahid din sa iron na panlaban sa pamumutla’t anemia o kulang sa dugo.
Mabubungkal sa ulat kamakailan na pati mga kampeon sa Universal Fighting Championships at iba pang batikan sa mixed martial arts, gumagaya na rin kay Popeye na mahilig sa gulay… sila na rin ang nagsasabi na dahil sa ganitong pagkain, mas matindi ang kanilang stamina sa laban. At mas mabilis pang maipagpag ang mga pananakit ng kalamnan mula umaatikabong bugbugan.
Sa cartoon series, parang magic ang bisa ng de-latang gulay na lalantakan ni Popeye kapag bugbog-sarado na’t lupaypay… iglap na nagiging bundok ang bisig at nagiging buhawi ang bilis sa galaw ng buong katawan… totoo pala ‘yun!
Pero hindi pala bio-available iron content sa dahong gulay ang dahilan ng mas mahusay, mas matinding ibubuga ng katawan.
Natukoy sa pananaliksik na nitrate ang sumasalin sa laman, kahit 300 grams lang sa araw-araw ay sapat upang maging matindi ang muscle efficiency and performance.
Iglap ang bisa sa pagkain ni Popeye. Sa totoo, tatlong araw lang ang kailangan para sumipa na ang epekto ng pagkain ng dahong gulay na mayaman sa nitrate… that turns up nitric oxide, a signaling chemical that opens up blood vessels, lowers blood pressure, and improves circulation… panlaban din sa mga sakit sa puso at diabetes.
Findings show that dietary nitrate increases levels of nitric oxide in the body with the help of friendly bacteria in the gut—kaya tumpak talaga na magkatuwang na ulam ang hilaw na mustasa at burong dalag na nanggigitata sa mabuting mikrobyo.
Isa pang bentahe ng nitric oxide sa katawan: mas mahusay na pagtindig ng singkapan kapag sasabak sa saksakan… nitric oxide as signaling chemical opens up the blood vessels in two main cylindrical cavities that run the length of the penis so that blood can rush in and hold ten times more blood… then, blood is trapped and the fully engorged tool is on the ready.
Kaya pala mahilig sa gulay ang mga kuneho.

Comments