Skip to main content

La luna palida como hostia mistica


TO the swoon of winds tugging at my chest lifted of the day’s cares, head rendered giddy with drink… a song rock-hard thaws, rills out of my tummy and spills its notes calm like a shy scatter of stars... old as memory.

To sing in dead earnest is to pray twice… kaya marahil walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin… sinasamba, idinadambana saka dinadamba na.

Sa haraya ng harana iduduyan ang mga apo, kahit malayo ang mga damuho… makakagawian nila ang haplos ng lamyos mula mga labi ng Diablolo…

Iidlip na sana si Direk Dindo Angeles nang marinig na umuungol-alulong na naman ako—aba’y baka ‘kikipagbuno sa bangungot—napilitang bumaba’t ungkatin kung ano na ang kalagayan namin ni Dennis Fetalino… kaming dalawa lagi ang aabutin ng madaling-araw, ‘kikipagtipan sa tuba’t tungga sa ilang araw na pamamalagi sa pulo ng Ilin, sa kanlurang bahagi ng San Jose, Mindoro Occidental.

At sa huling yugto ng tunggaan, may udyok o tudyo ang pag-awit kasaliw ang koro ng mga kuliglig sa paligid… mutya—malaking perlas ang isa pa nitong kahulugan—ang pusyaw na mukha ng buwan sa langit,
“la luna palida como hostia mistica… llueve su calida luz eucaristica.” Sapat na ang ambon ng maputlang liwanag upang umalulong mula alumpihit na sikmura. The moon stays in its heavenly course; the moon stays its curse in the lycanthrope— so bay or bray at the orb like a donkey haughty.

Say, can I carry a tune? I’d rather the tune carry me… that’s the twist of a premise in Thomas Disch’s sci-fi fable, “On Wings of Song.” Uh-oh, extant celebrity rocker rendered jobless by trenchant religious persecution turns to odds-and-ends work to subsist and pay for the upkeep of life support systems of his missus in a coma… why, mullahs plied a fatwa on singing that allowed a singer to soar to the heavens, yeah, on wings of song.

Underground dead-end: rocker is shot down in a concert finale.

“Through the storm, through the night, lead me on to the light… Take my hand, precious Lord, lead me home…”

Tatlong buwan sa sinapupunan ang isang anak nang yakagin sa isang pagtitipon ang kabiyak… konsiyerto ng mga awiting Pilipino… nakadantay sa kanyang puson ang kamay ko’t nararamdaman ang pagkislot ng damuhong musmos sa saliw ng musika… nakagiliwan yata ang mga titik ni Mang Levi Celerio, “Sa Ugoy ng Duyan.”

So old an ember memory, stoked time and again like a shy scatter of stars in spill of lullaby… Sana’y ‘di nagmaliw ang dati kong araw nang munti pang bata sa piling ni nanay… Ibig kong maulit ang awit ni inang mahal… awit ng pag-ibig noong ako’y nasa duyan.

Thus the cradle rocks to rule and reign, even over fatwa against songs that lift hearts to the skies.

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...