SA huling araw ng kanilang pagsasanay, inudyukan ang may 50 paslit na isulat sa pilas ng papel ang kani-kanilang hiling sa hinaharap… tinipon ang mga sulat, isinalin sa sisidlan ng tubig… humukay sa paanan ng isang punong mangga’t doon inilagak ang may 50 kahilingan…
Kung “diwa’y walang gapos, puso’y walang galos” na maglalagak ng may galak na hiling sa dibdib ng lupa, ititibok ng bawat hakbang sa kanilang tatahaking landas ang mga katuparan.
Sinauna ang ganitong paniniwala. Mahahalungkat ang pamamaraan sa mga aklat ng lihim na karunungan.
Karaniwang sa kapirasong kawayan inuukit ang hiling, ibinabaon sa lupa na nakaturo ang magkabilang dulo sa timog at hilaga… upang mauntag ang kakayahan ng lupa na ibangon, palaguin na tila binhi ng halaman ang katuparan ng hiling.
Ibinubulong din sa pitong butil ng katigbi (Job’s tears) ang taimtim na hiling, saka ipinupukol sa agos ng ilog… nakaugnay ang tubig sa katuparan ng kahilingan—na karaniwang ukol sa pagbaha ng saganang kabuhayan, pagwasak sa mga balakid at sagabal… paglayo ng mga siphayo, pagrahuyo sa pinipintuho.
Kahit sa pilas ng papel na binasbasan ng langis, sinuob ng kamanyang, binudburan ng nutmeg (Myristica fragrans)… susunugin ang papel na sinulatan ng kahilingan saka ihahasik sa hangin ang abo nito…
Nakaugnay ang kahoy, apoy, tubig, lupa at hangin sa paglalagak ng hiling na may galak… na natutupad—isinuko kasi sa kapangyarihan ng santinakpan na maigawad ang katuparan… sa diwang nakalag ang mga gapos, pusong naghilom ang mga galos.
Sariling katawang lupa ang inilagak ni Judas Iscariote nang magpatiwakal matapos ipagkanulo ang tiwala ng kanyang Guro... kapalit ng kislap ng 30 pirasong pilak.
Taimtim din marahil ang kanyang kahilingan na isinaboy ng sakal na huling bunton ng hininga sa hangin, sa haplit ng init sa paligid, sa sanga ng punongkahoy na tinaguriang flowering Judas.
At talagang malago, namumulaklak ang punongkahoy ni Judas, it has become the national tree whose roots run trenchant across the land, and accursed shade looms over this country, proud of its Christian heritage rooted for centuries… equally proud of taking after Judas as paragon and paradigm in wholesale betrayal of public trust and plunder of public funds… 30 pieces of silver is, uh, a fiddling sum.
Judas emulation skids to a halt at self-immolation—the nation can go hang.
Natagalan sa pagbungkal ng lalagakang hukay ng 50 hiling—dulos kasi ang ipinangkalkal sa lupa… ginanyak ang nakahuntang matanda doon na magpahiram ng mas angkop na kagamitan…’kako’y kahit backhoe.
Baka kasi kabilang sa kahilingan ng mga musmos na nagtipon sa lugar na ‘yon—isang higit na sagana, mas maningning, mas marikit na kinabukasan para sa katuparan ng kanilang mga pira-pirasong pangarap…
At kailangan yatang marami pang kalahi ni Judas ang ubusin at ilibing.

Comments