"We honor life when we work. The type of work is not important: the fact of work is.” -- Matthew Fox
PAULIT-ULIT lang na iaangat, isusudsod ang asarol para mabuhaghag ang lupa, tumagos ang hangin sa paligid ng pananim… hanggang maging tangkay na kawayan ang kambal na bisig, maging sudsod na asero ang mga kamay.
Ilang taon din na totoka, tututok sa pangangasiwa sa pataniman ng malunggay… sa gitna ng isang pulo na nasa kanlurang bahagi ng Mindoro… walang sasakyan, walang kuryente, walang laptop, walang Facebook… pero malinaw ang talagang pakay doon—missionary outpost, agricultural extension work, on-site research and development, permaculture, agro-forestry…
Kung ano ang taglay sa laman at nalalaman, ‘yun ang isasalang sa naturang lunan… Homo doctvs is se semper divitias habet… bubukal ang yaman mula taglay na kaalaman.
Nakasaboy na tila kawan-kawang alitaptap ang mga tala’t buntala sa gabi… at samut-saring himig ng kung anu-anong kulisap ang inihahasik sa hanging naglalaro sa paligid … makakaulayaw, makakausap marahil ang genius loci o patnubay na anghel ng lunan.
Tulad sa pagsusulat, may mapanuksong haraya ang paglulupa—natutupad ang malalim na katuturan, h’wag nang kumatsang kung hindi bibihisan nang maringal at marangal ang katahimikan.
Walang puwang ang pangungulila kapag subsob sa gawain… lalo na kung marami ang makikinabang sa ibubunga ng sikap… the project is going to make a lot of difference in the lives of small people in the island… walang pamumulitika, pulos lapat-kamay na pagtupad sa mapagkupkop na agrikultura.
Biglang pihit ‘to sa kabuhayan bilang peryodista… babalikan kasi ang unang minahal-- paglulupa’t paghahalaman na nakabigkis sa masinsinang hasa ng kakayahan sa sining-tanggulan… gano’n ang ginawa nina Miyamoto Musashi, Hariya Sekiun at Chojun Miyagi— nakarating sa sukdulan ang kakayahan sa kani-kaniyang sining nang lubusang sumalang sa paglulupa.
Hindi ‘to pagsunod sa daan na kanilang tinunton… hindi rin pagsunod sa kanilang naiwang bakas ng mga hakbang sa paglalakbay… ‘yung kanilang pinakay na marating ang nais na marating.
Ikinubli nila ang masining na karahasan sa mga mahinahong kilos at kislot sa pagsisinop ng taniman at pananim… nasisinop sa paglinang at pagyayaman ang lupa, unti-unting sasalin ang kalinangan at kayamanan sa naglilinang.
The easy ground-tilling motion with a mattock is a straightforward crippling move I have drilled my children decades back… destruction sublimated through cultivation… babalik-balikan lang muli ang isinalin sa mga supling, uulit-ulitin na walang pasubali… pagyayaman sa lupa at sariling katawang lupa, a nurturing of the soul through turning of the soil.
Ang ensayo, magiging ensaya… ang saya!
Awesome career shift in the works… nakatugma sa matagal nang ninanasa— munting dampa sa pamumukadkad ng limang ektaryang lupa.
Napakagaan ng gagawin, halimbawa’y paulit-ulit na iaangat, isusudsod ang asarol para mabuhaghag ang lupa, humaplos ang hangin sa ugat ng pananim… hanggang maging tangkay na kawayan ang kambal na bisig, maging sudsod na asero ang mga kamay.

Comments