Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2010

Takdang aralin

WALANG mararating kung hindi alam kung saan nanggaling. Walang patutunguhan kung hindi talos ang pinagmulan. Ang hindi manumbalik sa lunggang pinanggalingan, hindi na tinitigasan. Ganoon yata ang pakay ng gurong nagbigay ng takdang aralin sa isang pamangkin, unang taon sa Philippine Science High School … ipinapatunton sa isang supling ng tinatawag na Generation X ang kanyang pinagmulan… lalambitin siya sa mga pangunahing sanga ng family tree… at ako ang binulabog para makatulong sa pagtonting, oops, pagtunton. Salsila o genealogy ang ganoong pagtunton, and genealogy whispers of the genitals… of which the female endowment I am quite fond of, uh, the Koreanovela “Jewel in the Palace” aired years ago at GMA-7 fingers at, pun intended but we can use instead , dahil ito nga’y pagtuturo siguro (sex education) “points to” the female jewel or labia. “Ampil” ang panggitnang pangalan ko, na taglay na apelyido ng pamangkin. Nagmula ang mga Ampil sa mga liping Khmer—na bihasa sa genocide , mala...

Edad-29

HINDI kailanman nagpalipad ng orasyon sa gayuma… hindi mahirap bumasa ng ibinubunyag o tahasang ibinubuyangyang ng katawan, body language … nakakabahala ang inihahayag ng katawan ng kausap, edad-29, “ikagagalak kong ikaw’y makadaupang-ari.” Kaedad siya ng tanging anak na babae… dalawang apo na mula sa anak. Nagsabi pa ang ikatlong anak… mamamanhikan na raw kami’t kasunod na niyon ang pakikipagtaling-puso sa kanyang kaliyag ng may tatlong taon. Makikipaglaro’t magbibigay-aralin na naman sa mga isisilang na apo… Wuyiquan. Shorin-ryu karatedo. Jujutsu. Chess . Kali-dumog.Tumbang preso. Paghuli ng tutubi, salagubang, gagamba’t iba pa. Pagkilala sa mga pakikinabangang halamang-ligaw. Taguan-pung. Nemo dat quod non habet . ‘Yun nga ang talagang lalabas na sagwil, balakid, sagabal o hadlang… nemo dat quod non habet , hindi maibibigay ng sinuman ang hindi niya taglay… tig-24 oras lang ang paghahati-hatian sa isang araw. Napakaraming humihingi’t namamalimos na pag-ukulan sila ng kahit katiting ...

Nisi ut valeas

PUMALO sa higit 120 taon sina Lola Berta (masaya siya kapag binigyan ng sampaketeng Philip Morris 100s sa Pasko) at Lola Anday ( La Yebana, La Dicha, Magkaibigan at Balintawak naman sa kanya). Chirpy spirits both, kapwa marikit na ibong maria kapra… pero dahil sa kanilang mausok na bisyo baka sila mabansagang maria kapre. Record-setter din ang isang lola sa France, umabot sa edad-122 kahit hitit-buga rin ang hilig. Isa sa itinuturong sanhi ng kanilang tibay kontra tambutso ng tabako ang taglay na saya sa kalooban… masayahin ang dalawang lelang. Happiness turns up a potent biochemistry that deters the lethal effects of a smoking habit, some findings show. As Jesus Ben Sirach would assert in Ecclesiasticus 30:22-23, “Gladness of heart is life to a man, joy is what gives him length of days.” Idagdag na rin ang kanilang genetic make-up hardwired for longevity —mana-mana ‘yan mula sa matibay na ninuno at talagang isa lang sa bawat 10,000 katao ang umaabot sa edad-100, ayon sa mga pags...

Asoge

NAGMULA pa sa Paracale, Camarines Norte ang bumili ng ilang pirasong kagamitan para sa kanyang mga tauhan—hindi aakalain na paldong pera ang dala niya sa lukbutan, pulos kaliwaan ang bilihan ng pambomba ng hangin at ilang kilometrong haba ng tubo na dadaluyan ng hangin na pantustos-hininga ng ilang minero na nagdudukal ng mga tipak ng bato’t lupa… na paghahanguan ng madadalisay na ginto. Asoge pa rin daw ang gamit nila para kumapit ang hilaw na metal… apoy mula suplete ang pandalisay… kumikinang na mumunting tipak ng abo ang hihiwalay, iiwan ng matinding init ng liyab… at sasalin naman sa hangin ang asoge. Paulit-ulit na sasalin sa hangin ang hindi matuos na bulto ng asoge sa bawat pagdadalisay ng ginto. Malalanghap, sasalin sa baga, puso’t aagos sa dugo’t lalagak hanggang sa utak… unti-unting mamiminsala. Sinaunang kasabihan: “Kangino ba pakikita ang ginto kundi sa sintu-sinto?” Paulit-ulit na magsasalya ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang nakausap na namumuhunan sa minahan sa...

Amore... mangare, dormire

MATINDING sakit daw ‘yang pagreretiro… retreat o pagsuko ang katuturan nito. Kaya yata kalapit ng Retiro ang La Loma… at Manila North Cemetery. Hindi na nagsusulong ng pension fund payments ang mga hinayupak… kaya pala kahit pumalo kayo sa edad-65, ‘yung karampot na pension … maghihintay pala kayong datnan ng ika-30 ng Pebrero. ‘Yung kainuman nating Ricardo Trinidad, dating estudyante ni Sifu Shakespeare Chan sa bengkiam kung fu , retirado rin… bumalik sa pagsusulat… nakakapanlumo kasi ang halaga ng tinatanggap na pension , hindi kayang isagupa sa umaarangkadang presyo ng bilihin. Nakatanggap din ang abuelo ko ng katumbas ng P2 milyon na retirement pay noon… mabilis na nahulog ang katawan nang hindi na abala sa gawa… how true, work is one of the necessities to be content, hearty and healthy… most of his money defrayed for costs of hospitalization and medication… pati pagpapalibing. The lump sum was a send-off. It pays to make money, small sums will do… make love, twice or thrice a...

Sick education

SA kabuuan ng lunan, hindi matatastas mula Intramuros—panloob na mga pader—ang Puerta Real… hindi basta makakaltas ang sampirasong suriso, kahit ito lang ang ginusto, sa buong bulugang baboy. Eh batugan ‘yung baboy kaya ang binubulog ang kumakayod para may ikabuhay sila… lalo na ang pasusuhing anak. At madalas na hindi sapat ang kita sa paninilbihan sa madalas kong puntahan para lumaklak at mamulutan… malasadong inihaw na tahong o hilaw na sariwang talaba. Natutudyo: “Bakit ba mga korteng ‘kuwan’ ang paborito mo, sir ?” Iglap na mapaklang pakli: “Pampatigas.” Saka ibebelat na paulalol ang dila—sa totoo’y ito ang mudra o pang-antig sa aliw at saya ng bathalumang Kali na nagkukuwintas ng 52 bungong sumasagisag sa mga titik ng wikang Sanskrit… pintakasi rin ng kamatayan, kali-arnis at kalaripayat na isa sa mga ninuno ng iba’t ibang sining-tanggulan. At idadagdag, “’Ta’mo nga, naninigas na’ng dila ko, mwa-ha-ha-ha- hyena !” Uh, 2006 findings somehow point to a theory that women’s prefere...

Balatbat

DALAWA ang nakagiliwan ko sa halamanang kalapit sa dati naming tanggapan sa Malakanyang—magkasunong puno ng yakal at balatbat. Nabubungal ang ngipin ng lagari sa yakal—pinakamatibay ang kahoy sa angkan ng lawaan, isama pa ang narra. Tigas na, kunat pa talaga kaya panlatag na travieza sa riles ng tren… hindi nabubulok kahit mababad sa tubig at halihawin ng matinding init at lamig, panghaligi rin sa mga sinaunang bahay na bato. Pero mas maliit pa sa binhi ng linga o sesame seed ang sa yakal… parang munting butil ng pananampalataya na kapag ipinunla, inaruga’t napalago—ganoon ang tagubilin ng Kristo—talagang titindig na matatag, hindi maigugupo. Ah, balatbat… Marikit na kaanak ng anahaw ang balatbat, abaniko mistula ang malapad na dahon na tila nakalahad na luntiang palad sa pagtanggap ng biyaya. Oo ka, pambansang laro na sa Pilipinas ang halihaw-abaniko o arnis… at abaniko rin ang pamamaraan sa balisong, mayuming paru-paro ang pamatay na pagaspas para lumaslas at umutas. May talim at ...

Paalis na ang paningin ni Lola Anday...

KAYA hindi na siya maibigkis ng mga oras, kahit takip-silim o dapit-umaga’y tila ilog mula Bundok Arayat na aagos ang kawing-kawing na gunita sa masasal na usal ng salita. Ganoon yata ang tumatanda, pinag-uulian… babalik-tanaw uli sa mga karanasan ng lumipas na panahon, mahapdi man o may lakip na matining na saya ang sinuong na karanasan. Parang musmos na kakalawkaw sa malinaw na agos ng nakaraan, lulutang muli ang mga marikit, matingkad na mga kulay na nahalukay… “Gapan” daw ang ipinangalan sa kanyang bayan—isa nang lungsod ngayon sa Nueva Ecija—dahil pinagapang daw nila sa parusa’t pahirap ang mga kumubkob na mga Hapones… Pati ba naman pagkalas at paglilinis ng kalibre .25 pakbung ay dapat ikuwento, eh, wala nang ganoong riple ngayon? Isa lang sa kanyang mga kuwento ang umakit sa aking pansin… hindi kasi malupit, hindi tigmak sa pulbura’t dugo… sa kanilang bakuran napagkamalang gulay na makakain ang pananim na tabako— matingkad ang kaluntian, katakam-takam ang tunog-lutong ng tangka...

Sekreto ng saya

NAGKASUNDONG ilahad na lang muli ang mga nagawa na nila—hindi na kailangan pang bumalibag ng argumento’t makipagpingkian ng laway at lalamunan. Binabaeng manok lang kasi ang maghapong puputak, puputak pero kahit sariling bugok na itlog, walang maitaktak. When someone tries to cut your line, all it takes is see again how long your line have been drawn— kumislap ang mata ng katoto nang banggitin kung paanong nilansag ng kanilang bupete ang monopolyo sa industriya ng telekomunikasyon… na naging dahilan upang sumigla ang kompetisyon… na nauwi sa mas maraming nabuksang trabaho para mabawasan hanay ng mga nagbibilang ng poste. Ganoon ang ginawa noon, ganoon pa rin ang magagawa ngayon—hindi na kailangang subukan ni ungkatin ang track record o isalang pa sa performance auditing. Such past deeds define character— and past feats and misdeeds have a way of catching up on the present, providing ample jolts of happiness… or floods of regret. No, money doesn’t buy you happiness… may mga kakilala n...

MOREGINALIZED!

BASED on 2008 crude costs, a P100 kilo of liquefied petroleum gas consists of (1) P69 cost of raw material, (2) P11 value added tax courtesy of now-reelected lawmaker Ralph Recto, (3) P11 oil company take, and (4) P9 dealer/hauler take. Nangako ang isang kahahalal na kinatatawanan —party list yata ang tawag sa kanila—na ibababa nila ang presyo ng LPG… ganoon ang gusto nilang papelan sa Kamara. Alin sa mga bahagi na bumubuo sa kabuuang presyo por kilo ng LPG kakaltas ? No local legislation can ever snip at prevailing global crude prices, which can go any which way as demand side runs after scant supply. No attempt has been made to repeal EVAT, why, a top finance honcho of the Arroyo administration even suggested to up to 15% the tax take on manufactured goods and professional services. Uh, the P11 oil company take is less than the P12—or 12%-- profit allowed by law in a regulated regime for oil, power, water or the so-called public utility firms. That figure means the downstream oil ...

Alay sa anito

NAG-ALAY ng sangkurot na tabako— itinaktak ang mga giniling na dahon mula Philip Morris 100s at Marlboro Black —sa paanan ng lalaking bignay sa kanang bahagi ng aming pintuan… matingkad na pula, tila dugo ang kulay ng magulang na dahon niyon… promotes good blood flow to the body’s nether member for engorgement, a necessity for engagement under prevailing bed weather conditions. The bright leaf offerings were done on No Tobacco Day on June 1… tobacco offerings to guardian spirits and deities that hang out in certain trees and plants are done on that special day to bring peace and prosperity to the household, so I learned. Hindi na naidamay sa sagradong alay sa mga batlaya’t anito si Noynoy Aquino… tila dahong nalalagas na ang buhok niya… nakalitaw na ang anit kaya sinumang papansin sa kanyang ulo, masasambit na “Anit, o!” Kung nagagawang mag-alay ng Philip Morris 100s at Marlboro Black sa mga anito, sa kanya pa kayang litaw na litaw ang “Anit, o?” Mga brujo at curandera, thaumaturgis...