CARABAO Beach ang tawag ng mga paslit sa malaking ukab ng lupa - likas na rainwater catchment basin. Lawa sa buhos-unos mula Mayo hanggang Disyembre.
Tapunan ng bangkay aso-pusa-manok-daga. Pistahan ng uod at langaw. Pagkaing panis doon din ihahagis. Pamansingan ng dalag, hito't tilapia. Pamantasan ng kuhol at susong amakan. Nasasagapan ng hipong tagunton. Kangkungan. Libliban ng digman. Lubluban ng kalabaw.
Lubluban din ng mga musmos. Hindi nandidiri ang kawalang-malay sa samut-saring mikrobyo at mumunting organismo - pati lisaw ng kiti-kiti't linta, daphnia, punla ng mga tutubi't palaka -- na kahalubilo sa masayang lublob-lunoy sa Carabao Beach. Nasa isang gilid iyon ng Palmera Springs, isang middle-class subdivision sa Camarin, North Caloocan City.
Mayumi ang dagundong-tibok ng buhay sa Carabao Beach. Kasaliw ng kantiyaw-iyak-tawa-hiyaw ng mga paslit. Sa tampisawang iyon, yakap na nagsasaya't sayaw ang mga mikroorganismo't makroorganis...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.