Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2004

Dagdag na halaga

MANGKOKOLUM Nakasumpong minsan ng palos o sea eel sa Farmer’s Market, Cubao. Wala nang baratan. Kagyat na binayaran. Buhat sa puwesto ng mga isda, lipad agad sa mga tindahan ng gulay. Naghagilap ng mga sangkap sa putaheng tila kidlat na gumuguhit sa utak – palos na nakagumon sa salsang tausi, sangke, luya at wansoy. Sarrrap! Naulit ang ganoong lintik-sa-bilis na paghahagilap ng mga pansangkap. Doon sa pamilihang bayan ng Maddela, Quirino. Nakasumpong ng isdang ludong. Tila ba nakatagpo ng mutyang nililiyag, inihanap agad ng angkop na gayak. Upang maitanghal at malantakan sa hapag. Samut-saring hilaw na halimuyak ang likaw na naglisaw sa palengke. Tambad ang talaksang hilaw na sangkap. Malimit na may sansang ng putik at alikabok. Pero naroon ang mga paanyaya para lumikha ng dagdag na halaga. Doon masasapol ang katuturan ng tinatawag na salimbayan ng mga unawa – ang buhawi ng buhay sa marketplace of ideas. Nasuob man sa lansa at sansang ang mga lumulusong sa palengke, tal...

Adding green to the mud pie in your eye

BACOLOD -- Most beachfront property owners here opt for an uncluttered view of their sunset, a neat unbroken sweep of the horizon facing the Guimaras Strait smack on the western end of Negros island. Shore settlement dwellers take a similar view that has tamped down any attempt to dab a bit of green in the coastal marshes and mud flats dotting the shoreline. However, enterprising marginal fisherfolks have studded the shallow portions with fish corrals called baklad while others are content to grub for various species of clams, oysters, and crabs among the shoals. Negros-based project coordinator David G. Castor for the United Nations Development Program (UNDP) endemic tree species conservation scheme noted that "mangrove forests once teemed Negros island's coastal marshes and mud flats in the 19th century. We find those mangrove-grown coastal parts defined in maps of the 1800s. The remaining bakawan species are now confined to estuaries and mud banks of rivers ...

Kama

At P200, the odd farm implement called kama that I chanced upon in a roadside cutlery shop in La Trinidad, Benguet proved worthier than its price tag . The kama has a curving spine that looks like an arc snipped off a wide circle. Its business spread of a blade is a straight edge fitted at a 45-degree angle to the lightweight handle -- knotty grained wood of a color similar to pine -- that bore lathe marks. With the tool's weight evenly distributed between handle and blade, the heft was perfect. Once wielded, the tool feels like an organic part of one's arm. This farm tool that resembles a carpenter's scale had its roots in Okinawa, an island off the Japanese mainland that was once a haven of sea brigands, fishermen and farmers. A kama is used for reaping grain, mowing grass or for such precision splitting of bamboo culms, cane or wicker for basketry. Honed to razor sharpness, the tool can also neatly lop off a man's neck or limb in a flick. Fitted to a lon...

Rice and fish until you rest in peace

SINIMULAN ng mga prayleng Dominikano ang latag ng patubig sa kanilang mga palayan sa Laguna pagpihit ng ika-18 siglo. Sa yugtong ito ng kasaysayan, hindi umaabot sa 4,000 ang bilang ng mga Español sa bansa; mahigit 4,000,000 ang populasyong indios cobardes. Sa panahong iyon, katulong ang mga indio sa paghakot sa mga Sangley o sinaunang Chinoy sa Intramuros para matamnan ng dalawang ulit santaon ang mga palayang Dominikano sa Laguna at ilang bahagi ng Bulakan. Kayod-kalabaw ang mga hinakot sa pagbubukid. Walang bayad. Maraming pumalag na sinaunang Chinoy. Binanatan ng Mauser 5.56. Humalo sa patubig ang dugong Sangley. Naging pataba sa bukirin ang mga bangkay. Sagana ang bawat ani ng palay. Ipihit ang panahon. Bago humapay sa pagpasok ng ika-21 siglo, nasa Top 400 Corporations of the Philippines ang National Food Authority (NFA), ang bisig ng pamahalaan sa pamimili, pag-iimbak at pamamahagi ng pangunahing aning butil. Limpak na milyong piso ang kita taun-taon. Kahit sa bawat...

Bayabas, asin, at pinawa

Bago napalawak sa higit 20 ektarya ang kanilang lupain, ang mag-asawang kaanak ng aking abuela ay nakagawian na mamuhay nang payak. Dugo ng katutubong Khmer mula bulubundukin ng Cambodia ang taglay ng kanilang mga ninuno. Likas na sagitsit siguro ng dugo ang nagtutulak sa kanila sa pagiging masinop sa lupa, sa pamumuhay na salat sa luho -- pero todo-sagad sa sikap. Uhugin pa ‘ko nang madalas maisama ng abuela sa tahanan ng mag-asawa. Pawid at kawayan lang ang bahay. Ligid sa mga punong bayabas at mangga ang bakuran. Dalawang beses santaon kung magbaba ng mangga, pero lagi naming nadadatnan na hitik sa bunga ang mga bayabas. Matindi ang kargadang Vitamin C ng bayabas. Dalawang piraso lang, sapat na sa kailangan ng katawan sa isang araw. Duda ‘kong nagpupurga yata sa bayabas ang mag-asawang iyon. Tuwing mahahatak kaming kumain do’n, tiyak ko ang nakahain sa hapag: pinawa o tersera klaseng kanin na halos kulay pula’t may halo na konting darak (na tigmak pala sa lecithin, Vitamin...

CPA-- camote pala ako

Naglalaro sa P10-12 sangkilo ang presyo ng kamote ngayon. Magaang na sa bulsa, mahilab pa sa sikmura. Masustansiya kasi. Minsang tanim-kamote ang inasikaso natin. Nangamote sa kapirasong bahagi ng Kilometro 30 ng lansangang Cabrera, sa lunsod ng Antipolo.Sa ika-30 linya ang hangganan ng maisusulat sa legal size paper. Trenta rin ang pananda ng peryodista. Pangwakas sa niratsa o sinalsal na ulat. Matindi ang kabuluhan ng kamote o Ipomoea batatas . Kaanak ito ng kangkong at aurora o morning glory. Pangunahing sangkap ito sa paglikha ng manika (poppet) sa pangkukulam. Mas masarap na pang-ulam - lalo na't may katambal na halobaybay, bagoong Balayan o Pangasinan, pinigaan ng dayap at siling labuyo. Huwag nang pagtalunan: natukoy na ng mga food scientists na mas mayaman sa sustansiya ang talbos-kamote kaysa repolyo, broccoli't mga kamag-anak nilang gulay. Kaya nga nakagiliwan naming comfort food ang talbos-kamote-- 'yung bagong pitas sa sariling bakuran. Para may hibo ng...

Bakit 'Mangkokolum'?

Sa usapan namin sa telepono ni Edgardo M. Reyes -- umakda ng mga nobelang tulad ng Laro sa Baga, Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy at Sa Mga Kuko ng Liwanag -- ginamit ng may pitak na ito ang katagang "mangkokolum." Hinalaw naman ang katagang "mangkokolum" mula sa naging kantiyaw sa isang peryodistang AC-DC (attack-collect, defend-collect)-- sa halip na calumnist tinawag na kulam-nista. Editor-in-chief noong 1998 si Reyes ng isang Tagalog broadsheet-- Diyaryo Uno . Minsang naging kapitbahay namin siya sa Lagro, Quezon City. Matagal ding naging kaklase sa boteny matapos magsara ng pahina ng dating Abante . Naging katalakayan sa ilang palihan sa malikhaing pagsulat nitong dekada 1980 sa UP Diliman. Untag ko: "Kukunin mo ba 'kong mangkokolum?" Aniya: "Ano bang mangkokolum? Mangkukulam!" Nilinaw sa kanyang iba ang mangkokolum sa mangkukulam. May mabubungkal na halimbawa. Iba ang manunulat sa manunulot. Iba ang manananggal sa mana...

Shrines in a barren landscape

Seven churches sit like yawning crocodiles, spread about the sprawl of Sierra Madre foothills where weekends were spent with my three imps, sweating out and sun-baking our backs while planting trees. Each church, every belief and persuasion currently infecting the Pinoy landscape was plied out with a preacher or priest to stoke the fires of people’s faith in that hinterland community. We saw instead many a summer brush fire cackling like a coop of chickens or crackling like splintered skeletons, devouring the landscape from dusk to dawn. Thus went two or three years reforestation work, each struggling patch of young trees we tended turned up as ashes. People need trees. Trees to turn out food and churn out oxygen to break down nutrients in food, the same air – bonded to blood -- shuttle these nutrients throughout the body to keep it fully nourished and alive; same air swishing like a tender caress on human brain cells to nudge some sparks of sanity and intuition. Beautiful bi...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

Sa anino ng Bethlehem

PINAKAMURA sa Pasay ang palipas ng dosenang oras sa silid ng mumurahing motel - P169 lang. Katakam-takam sana. Kaya lang, muli't muling mauulit ang Posadas - ang pakla't panglaw sa panunuluyan ng kagampang Maria't Jose. Walang motel sa Pasay na tatanggap sa kanila para manatili ng 12 oras. Sa tatlong oras nakametro bawat silid ngayon. Mahihiwatigan: sa palipas-libog lang laan ang mga silid-motel. Masusubukan nilang tumuloy sa Sogo o Wise Hotel sa Cubao, Quezon City. Ganoon pa rin ang umiiral na kalakaran. Mabubungaran ang naghihintay na mga kawan ng parehang magpapalipas-libog. Matiyagang naka-antabay sa mababakanteng silid. Karaniwang naipagpag ang utog sa dalawang oras. Maihahanda agad ang silid sa bunong-kama ng panibagong pareha. Walang patid ang labas-masok na daloy ng mga parokyanong pares-pares kapag kumagat ang dilim. Ganoon pa rin ang kalakaran sa pansamantalang pahingahan sa libis ng Pasig, sa mga utong ng Sta. Cruz o Binondo, kahit sa tumbong ng Grac...