Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2011

UNIFORMALDEHYDE

HUHUBARIN lang ang uniporma pagkatapos ng laban… mas masaya nga ‘yung laban na…uh, umpisa pa lang, hubad agad… at umaatikabong salpukan ang kasunod… na talagang kalugod-lugod hanggang gulugod. Pero matagal nang bisyo ‘yang liga kapag bakasyon ang kabataan… tiyak na parang mga kandidato na magsasadya sa mga bahay-bahay. Hihingi ng limos. Pambili ng uniporma. Basketbolahan… na tinukoy minsan ng katotong Yen Makabenta na, “ pathology. ” Talamak na sakit. Kaya pinaghahandaan ng pang-embalsamo ang mga tiyak na matitigok. Uniformaldehyde solution! Nahirang nga minsan bilang tournament director-chief arbiter sa Palaro sa Senado… gulantang ang mga kasamahan sa aming chess team nang mapansin nila na kami lang ang hindi nakauniporma… ba’t hindi raw ako umungot ng budget para do’n. ‘Kako’y ano ba’ng gusto n’yo, uniporma o laban? Nang mahawi ang usok sa huling araw ng palaro, dalawa sa tropa ang pumitas ng medalya… aba’y talagang araw-araw na isinalang sila sa paghahanda bago sumagupa sa mati...

Despicable Khaddafy Duck!

SUMUKA, oops, sumuko ka na, Col. Moammar Khaddafy para aawitan ka namin ng lumang kanta ni Matt Monro, ‘yung “ Softly, I will Libya, softly… ” Kasi naman: sa bukanang taon ng mga 1970, nakatikim din kami ng biglang hulagpos ng mga produkto de krudo… mula P0.15 sanlitro ng gasolina, tumadyak pataas sa loob lang ng sanlinggo— pumalo sa P1.50 sanlitro! Mahal na nga, wala pang mabili sa mga gasolinahan… kilo-kilometro sa haba ang pila ng mga sasakyan na magpapakarga, pero tasado sa limang litro lang… pasensiya ang mauubusan. Kaya sagsag noon si Imelda Romualdez-Marcos patungo riyan sa lupalop nga ni Khaddafy… para umamot ng krudong maitutustos sa mga nabalahong pagawaan, planta ng elektrisidad, transportasyon sa bansa… parang naghihingalong kumanta ng banat Metallica: “Quench my thirst with gasoline!” Nauna ngang dumulog noon si Imelda sa China… binentahan naman ng krudong Sheng Li —na nang dalisayin, pulos alkitran at liquefied petroleum gas lang ang kinalabasan. Nahimok naman ni Imelda ...

Sibat ng tadhana

TATLO lang kami sa Samahang Centurion (SC, ginamit na ang baybay Español, baka sabihing kabig kami ni Hitler na mahilig sa sariling sikap kung S.S. ang ipaparada). Nangako sa isa’t isa na aabot kami sa edad-100 o higit pa. Hindi sa kutob na lulusot ang nakasalang na panukalang batas na magbibigay ng P1 milyon sa sinumang Pilipino na aabot sa ganoong edad… saan pa gugugulin ang ganoong halaga kung ni hindi na makatindig, maipasok ang astig na… T-t-teka, astig talaga ang mga kawal ng Roman Empire kahit noong panahon ni Kristo… centurions do day-long marches lugging armaments and provisions over half their body weight , aba’y marami na ngayong batugan na halos gumapang sa bigat ng sariling bayag, mwa-ha-ha-haw! ‘Yun nga palang panukalang gantimpala na P1M, mas magandang palitan na lang… mas mainam na itakdang batas sa mga korporasyon sa bansa na bigyan pa rin ng hanapbuhay—at matinong sahod-- ang mga nasa dapit-hapong edad, kung gusto pa nilang mag-ambag ng kakayahan at kaalaman sa pamb...

Kalikasandali

NAUNGKAT mo, Dax Cleofe, kung nagsusulat ako tungkol sa kalikasan. Kailangan. Dapat. Technical paper para sa World Bank ang ipinasulat sa ‘kin nitong mga 1980, paglapat ng tinatawag na microclimate para sa paaralan, para angkop sa pagsasalin ng mga kaalaman ang iiral na lagay ng panahon sa paligid—hindi pa lumulutang noon ang mga usapin sa global warming, climate change, and anthropogenic-driven wreckage of environment. Higit sa P10,000 ang tabo sa sinulat—malaking halaga sa panahong ‘yon. May naunang kita noong mga 1960 ukol sa ganoon ding kaalaman, P5 (malaking halaga rin para sa musmos na gaya ko noon) para sa sambigkis na tangkay at ugat ng makahiya na kinalap ko kung saan-saang parang… inilalaga pala ‘yon, iniinom ang pinaglagaan… ampat sa matinding agas-dugo ng bagong panganak na ina. P10,000 o P5 man, there’s value that can translate to pesos and centavos out of intimate knowing of nature . Mas matindi nga ang ibang antas ng halaga batay sa feng shui, vastu at furyu … kapag ...

Maiksi ang kumot— bumaluktot

NO outlandish flourishes and frills, just plain-as-tack economy of movement and brutal simplicity that makes for beauty… and lethal efficiency. Such is Krav Maga, a system of close-quarter fighting plied by Mossad operatives and elite forces operating in the world’s most hostile areas to survive even thrive. Thrift is practical virtue and frugality pays, indeed—we haven’t learned that yet. Kapag maiksi ang kumot—kahit tuwid na daan, bumaluktot . Say, a P13-billion scheme proffering a lame excuse to improve existing airport facilities looks more of a screaming faggot move to keep up with the Joneses. Monies won’t come from government coffers as taxpayers’ necks will be laid on the chopping block as usual. As guarantee of payment for a loan from Japan Bank of International Cooperation’s Overseas Development Assistance (ODA). What could bleeding taxpayers do but raise hackles or hone hatchets for burying into the backs of big spenders keen on pushing through with the costly scheme? Hopefu...

Bulag kikita

MAY tagabulag at tagabulog sa balita na umabot daw sa $2,000 ang karaniwang kita santaon nitong 2010— enunciated as seamy sounding two-oh-ten —ng bawat Pilipino, mwa-ha-ha-haw! Batay daw ito sa pagbubuhat ng sariling bangko, este, benchmark… gross domestic product na sumampa sa may 7.5% kaya umangat ang kili-kili, este, ang kabuhayan daw ng sambayanan— the operative word in GDP is gross o garapal. May tagabulag sa balita—hindi kasi makikita kaya pilit na sinasalat, kinakapa, dinadakma yata ang anumang matambok na laman sa pagitan ng ibinukakang wallet… such economic analysis stems from paralysis, something’s got to turn stiff in such a process that shouldn’t be heard as it’s obscene. Manigas ka! ( Uh, even such an invocation won’t do any good to mental faculties beset with erectile dysfunction , mwa-ha-ha-haw!) May tagabulog sa ganitong balita, we just went through a thorough … sa’n pa nga ba iduduldol ang ganyang ibinabandila kundi sa hiwa? Trotting out GDP as indicator of a nation’...

बलिन्ताताव नग dragon

PINAKASUWERTENG araw daw sa 2011 ang Abril 6 kaugnay sa maliyab na pagtatalik ng Araw at lagalag na Jupiter… nasa tugatog ang bulwak ng magkasanib na alimuom o katas nila sa pagitan ng alas siete’t alas nueve ng umaga. Mapapasagunson—katagang Batangan ‘to, “sunduin” o “dalhin pauwi” ang kahulugan—ang ningning at ningas ng Araw kasanib ang pag-unlad at kasaganaan na hatid ng Jupiter kung gagawin ang isang payak na ritwal… ang paglalapat ng balintataw o inla sa mata ng dragon. Hindi na kailangang bumili pa ng imahen o pigurin ng dragon sa Chinatown… download na lang sa Internet , naglisaw do’n ang samut-saring imahen ng dragon… ‘yung mga nais makatipid, puwede na ring lapatan ng balintataw ang mata ng kambal na dragon na nakataliba sa bukana ng Jones Bridge sa pagitan ng National Press Club at Philippine Post Office , o kahit ‘yung nasa bunganga ng Ongpin na nakatanaw sa simbahan sa Sta. Cruz… Pinsel at tintang itim lang ang kailangan para lagyan ng tuldok na balintataw ang dragon… kai...