WIMPY lang ang mahilig lumantak ng hamburger —kaya yata hugis hippoputamus ang katawan… kaya maraming musmos na lumalaki nitong dekada 1960 ang nandiri sa kinagigiliwang lantakan ngayon. Nakahiligan naman ang pagkain ng kinagigiliwan ni Popeye, spinach —kahit pa mahirap makahagilap nito sa Pilipinas. Pero marami namang katumbas ang naturang comfort food sa paligid—na damong ligaw lang kung ituring… itulos lang sa lupa, tutubo at lalago. Kabilang ang talbos ng sili, kamote, malunggay, uray o kulitis, lubi-lubi, lalaking bignay, kataka-taka, talinum, onte, kamote, kangkong, saluyot, mustasa, alugbati… pawang nanlilimahid din sa iron na panlaban sa pamumutla’t anemia o kulang sa dugo. Mabubungkal sa ulat kamakailan na pati mga kampeon sa Universal Fighting Championships at iba pang batikan sa mixed martial arts , gumagaya na rin kay Popeye na mahilig sa gulay… sila na rin ang nagsasabi na dahil sa ganitong pagkain, mas matindi ang kanilang stamina sa laban. At mas mabilis pang maipa...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.