Skip to main content

Kabaklaan

MAKAPITIK-BAYAG ang ulat na nangunguna ang Pilipinas sa kabaklaan sa buong Asia. Baka maiugnay ang pangunguna ng bansa sa buong rehiyon pati sa kabulukan sa gobyerno.

May matinong halimbawa sa kalikasan. Walang alanganin ang kasarian sa lipi ng tilapia (Tilapia nilotica, T. brassica). Nagiging lalaki ang babaeng tilapia kapag kulang ang bilang ng kalalakihan sa pulutong. Nagiging babae ang lalaking tilapia kung kulang ang kababaihan. Karaniwang isang lalaki bawat limang babae ang kailangan sa pulutong para sa mainam na paglago nito.

Oops: Kabilang ang tilapia sa mga hayup na may gulugod. Vertebrate. Mas marami raw aligi ang alimango, talangka o alimasag na bakla. Teka, kabilang ang mga ito sa mga animal na walang gulugod- invertebrate.

Nabanggit ng balikbayang pinsan Sonny Ampil na may mga lokal na bakla na dumadayo sa Gitnang Silangan. Nagpapabarukbok sa kapwa bakla para sa dagdag na kita. Doon kasi, mabigat na parusa sa bulsa ng lalaki ang mag-asawa. Matindi ang presyo ng dote sa kasal. Kasunduang kalakalan ang pagtumbas ng mataas na halaga sa babae. Doon: sa mga maykaya't mariwasa ang karapatang lumago't makarami - kaya sapilitang nababakla ang karamihan sa mga Arabobo't Arabogli.

Hindi ganoong kalagayang panlipunan ang umiiral sa ating bansa na magtutulak sa kabaklaan. Isa pa'y napakaganda ng Pilipina. Mahirap pantayan ang kariktan at halina. Nakaka-TL. True love, tulo-laway, todo-libog. Ikalawa'y mahirap pangatawanan ang pagiging babae. Hindi lang sa pagiging kaakit-akit kundi sa mga ginagampanan niyang tungkulin. Sa tahanan. Pati sa lipunan.

Ah, sa akdang 'The Left Hand of Darkness' ni Ursula K. Le Guin umiiral ang iglap na pagpapalit kasarian. Patas ang laban. Nagiging lalaki ang babae para lahian ang kabiyak. Nagiging babae ang lalaki - para ipatikim sa katawan ang hirap ng pagbubuntis. Pati panganib ng panganganak. Hangad ng akda ang mas mahigpit na gagap sa mga takdang alituntunin ng lipunan sa lalaki't babae. Sa tahasang pagpapakatao.

Isang kaibigan ang naggiit na ang lipunang Pilipino ay hindi patriarchy o lipunan na amang lalaki ang pinuno't tagapamahala. Matriarchy daw ang umiiral sa bansa - ina ang talagang kinikilalang pinuno't tagaugit. Hindi raw matanggap ng kalalakihan ang ganitong kalagayan.

Tanda ng paghihimagsik o malalim na inseguridad sa matriarchy: pambababae o marahas na krimen kontra kababaihan. Kahit makarami ng naikakama ang mahilig, talagang hindi pa rin mapasubalian ang kapangyarihan ng pinunong ina na sumasaklaw sa lalaki. Nanalo man sa maraming sagupaan o sexual conquests, talunan pa rin sa digmaan.

Talunan man, ipagpipilitan pa rin sa pamamagitan ng physical or verbal abuse sa asawa o anak na babae. Pinakagarapal na sintomas ng sagad-kaluluwang kahinaan at kabobohan: rape at sexual assault.

Iginiit din ng kaibigang Linda Halili: Cop-out option at pinakatalamak na sintomas ng kawalan ng kakayahan para magpakalalaki ang kabaklaan. Sa halip na maunawa at tahasang magagap ang katuturan ng sariling kasarian at pagkatao, gagagarin na lang ng nag-aalangan ang matriarch figure. Makikisuno sa anino ng babae.

Posibleng palatandaan ng pihit sa kaisipan at gawi ng pamumuhay - o paradigm shift -- ang pamamayagpag ng kabaklaan sa bansa. Nabalbal ang wika, nagiging popular ang swardspeak o usap-bading sa mass media lalo na sa entertainment industry. Sabi nga'y by their fruits ye shall know 'em. Okey kung mas naging mahusay ang ating pagkatao sa kabaklaan. Fine if rampant homosexuality improved our plight as a nation, as a people.

Kinutuban nga ang anak kong babae na baka maglaladlad daw ako ng kapa. Kasi'y isa kong kasabayan sa panulat ang humiwalay sa asawa't anak. Bahagyang nagladlad.

Tinurol natin ang umiiral na kaisipan ukol sa gender identity crisis. Sa Freudian psychology, man crawls to the level of beasts or insists on being an asshole instead of claiming his humanity. Sa Jungian psychology, man is a god reduced to the level of humanity but he continues to reclaim his divinity. Kay Jung ako.

Anang isang bakla sa psychiatrist: "Sapul pagkabata, feel ko na na ako'y babae. Kaya ako'y babae. Babaeng-babae. 'Yan ang katotohanan."


Pakli ng psychiatrist: "Since childhood, my feelings tell me I am God. Ergo, I am God. I really am God. And that's the truth."


Sakaling magladlad ang Mangkokolum, tiyak na ganito ang ibubunyag: "I am god myself. Made in the image of God, mwa-ha-ha-haw!"

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...