Skip to main content

Payapang landas ng aikido

MADALING maging tao—kahit sa tabi-tabi ubrang makipagdaupang-ari, may mabubuong tao. Maraming nakakarami sa tabi-tabi, sulok-sulok, gilid-gilid—sa gitna yata pinakamasarap na nalalasap.

Mga anyong tao ang nabubuo. Pero hugis-tao pa lang. Hugis pa lang.

Mahirap kasi ang magpakatao. Linawin natin: ‘Yun lang talagang tao ang ubrang makipagkapwa-tao.

Kailangan munang maging tao para maunawaan ang kapwa tao.

Payak lang ang pamantayan ng pagiging tao— na nagpapakatao. Nalimutan lang marahil na ang ganoong pamantayan ay mula mismo sa Tao Te Ching. ‘Landas ng kapangyarihan’ o the way of power ang tahasang katuturan niyon, isang sinaunang aklat.

Kalipunan ang naturang aklat ng samut-saring panuntunan para makamit ang lubusang kapangyarihan at mainam na paraan ng pamumuhay.

Tao = landas. Masikip na landas na kapag tinahak, tiyak na magiging madulas—lalo na’t kumakatas. Nagiging madalas. Magiging gawi’t bahagi ng gawa. Yung mga tumatahak sa ganoong landas o Tao ang talagang tao.

Huwag nang ungkati ang taon nitong dekada 1980 nang maganap ito. Nagsimula ang gusot sa hilig sa lusot ng tsuper ng bus. Bawat masipat na puwang isasalpak ang minamaneho—walang pakialam kung malalagay sa panganib ang mga kasabay sa lansangan.

Bago makarating sa kanto ng abenidang Quezon at Araneta, humarang sa bus ang isang kotse—ni hindi nagtungayaw o nagsayang ng laway para pagsabihan ang bus driver. Nagsimula namang magpuputak na tila nangitlog na manok ang naharang na bus driver.

Nagbukas lang ng bintana ng humarang na kotse. Sinuklian ang buga ng putak sa bugso ng putok. Parang walang nangyari na tumalilis ang namaril. Yukayok sa manibela ang bus driver, sabog ang utak, natahimik sa pagputak… Parang kinatay na manok.

Pumihit tayo sa kasalukuyan. Sa sumasanaw na pinaghugasan ng bus nagsimula ang iringan ng pamilya ng bus driver at isang magsasaka. Nagiging pusaliang tapunan ng hugas-bus ang bakuran ng magsasaka.

Wala ring pakialam kung ang gawi ay nakakalikha na ng perhuwisyo at paninira sa kapwa. Nauwi sa malagim na pangyayari ang iringan. Sumiklab na balita.


Kailangan munang maging tao para maunawa ang ibang tao. Tao lang ang may sapat na unawa sa kapwa.

Ano ang palatandaan ng mga tunay na tao? Ano ang gawi’t gawa ng mga animal na ito?

“Nagsisimula ang landas ng kapayapaan (Aikido) sa sarili. Pandayin muna ang sarili—bawat isa ay may angking kaluluwa na masisinop, may puso’t isipan na mapapatalas sa kaalaman, may katawan na sisidlan ng kakayahan.

“Isinadlak ang bawat isa sa lupa para gampanan ang ganitong gawain—pagyamanin ang sariling kaluluwa, puspusin ng liwanag ang puso’t isipan.”

Batay sa Tao Te Ching ang ganoong hirit ni O-sensei Morihei Ueshiba, kinikilalang ‘Ama ng Aikido.”

Batay sa ganoong pamantayan, madaling masipat ang talagang may pagkatao’t nagpapakatao:

Mahirap magkalkal ng kaluluwa, pati paghahasa ng isipang labaha at pagsisinop ng kakayahan at kaalaman sa katawan.

Mahirap magpakatao.

Masarap lang talagang kumaplog, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...