Skip to main content

BLOWN JOB OPENING


I'd rather go between a maiden's both legs opening than have a go into dubious job openings.

MAGHUNOS-DILI muna, katotong Willy Valdez… bago ituloy ang binabalak— a first of its kind in world’s annals of crime, elevator hijacking!—upang itorotot sa buong Pilipinas na ang mga tulad mong lampas edad-50, hindi na dapat mangarap na tatanggapin pa sa trabaho.

Aba’y batikan ka na rin naman sa racket science at pakikinabangan ang ganyang kakayahan… napakaraming korporasyon ang may dirt-poor, if not downright miserably destitute image problem. Parang taong-grasa na nanlilimahid sa libag, wala namang kalibog-libog.

Kailangan nila ang mga dalubhasang kagaya mo… para ipaglubluban sila sa dagat ng deodorant… at banlawan sa swimming pool ng pabango.

Nakalkal ko ‘to sa JobOpenings.ph, dalawang puwesto ang bakante sa International Container Terminal Services Inc. sa Port Area, Manila… public relations assistant, public relations officer… aba’y mas mahirap pang humarap sa mabotehang usapan kaysa pumapel sa ganyang gawain.

Astig na kompanya, ‘di ba? "Established by Filipino businessman Enrique K. Razon whose family has been managing harbors in the Philippines for three generations... incorporated on December 24, 1987... cited by the Asian Development Bank as one of the top five major maritime terminal operators in the world."

Astig din ang kanilang proyekto sa Isla Puting Bato, kalapit sa alingasaw ng Smokey Mountain sa Tondo, Manila… nakapagtambak na pala ng 12-ektaryang lupa sa Manila Bay nitong nakaraang dalawang taon… pero ni hindi ipinaalam sa Manila City Hall!

That’s a PR—oblem… kailangan ng community relations specialist, kailangan ng PRoblem solver… kaya naghahagilap ang ICTSI ng “public relations assistant, public relations officer.” That’s something right up your alley.

Naamuyan kasi ng Manila City Hall ang singaw-alingasaw.

Kahit pisong duling hindi nagbabayad ng buwis at iba pang mga kailangang bayarin ang ICTSI sapul masimulan ito, ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, na “nakatimbog” sa ginawang “panggugulang” at “katusuhan” ng kumpanya.

Tuso man ang matsing, unggoy pa rin… gusto pang palabasin na karaniwang tambangan o 12-hectare berths ng mga barko ang kanilang ginagawa doon.

Kung hindi ba naman talagang hambog ang kumpanyang ito, ayon kay VM Moreno, aba’y daig pa pala ang Amerika sa ginagawang pagdedma sa kapangyarihan ng mga pinuno ng lungsod.

“Kung ang U.S. Embassy nga na may ‘sovereign status’ nagpapaalam sa amin sa tuwing may itinatayong mga gusali sa loob ng bakuran nito, bakit naman ang ICTSI, hindi man lang ito magawa?” ani VM Isko.

P’reng Willy, mukhang hindi lang public relations officer or assistant ang magiging trabaho mo sa ICTSI… baka gawin kang Ambassador Plenipotentiary of the Secessionist Republic of ICTSI in Isla Puting Bato… job title pa lang, talagang tindi ng dating.

H’wag nang mag-atubili at magpatumpik-tumpik… kailangang kailangan ng ganitong kumpanya ang mga pusakal, este, batikang kagaya mo…

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...