Skip to main content

Halamanan kontra dengue


ANUMANG lutuin na sinangkapan ng kamatis, masasamahan din ng balanoy, albahaka o basil— na pangkontra sa mga di-kanais-nais na alimuom, singaw at alingasaw mula sa mga masasamang loob… nagtataboy din ng lamok, pati na Aedes aegypti o lamok-bulik na naghahasik-lagim ng dengue.

Sagradong halaman ang balanoy, panalo talaga sa mga salsa at lutuing pasta—iniaalay ang dahon at bulaklak nito kay Krishna—uh, what’s a name, you can also call Him Yahweh, Jove, Ama or Amaterazu o Kami-- upang kasihan ng kaligtasan, tibay ng katawan at magandang kapalaran. Gamot din sa kabag, matinding hilab ng tiyan at sakit ng ngipin.

Karaniwang sa dakong silangan o sinisikatan ng araw at kaliwang bahagi ng pintuan ng pamamahay itinatanim ang balanoy—para maikalat ng hanging amihan ang mga kemikal na taglay nito.

May mabibilhan sa mga nagtitinda sa Manila Seedling Bank Foundation, kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa Quezon City, sa Bureau of Plant Industry nursery sa Visayas Avenue, Quezon City o San Andres, Maynila o kahit sa mga nagtitinda sa likuran ng Mahogany Market sa Tagaytay City ng iba pang halaman na mabisa sa pagtataboy ng lamok:

(1) citronella or lemon grass o tanglad na sangkap sa roast chicken at lechon, mainam din kontra alta-presyon;

(2) bride of the sun or marigold o amarilyo, na mas mainam itanim sa gawing kanluran o sa kusina upang maging magaan ang pagpasok ng salapi sa pamamahay;

(3) malvarosa, sangkap sa mga kusilba at atsara lalo sa minatamis na makapuno;

(4) chrysanthemum o manzanilla at kahit kaanak nitong damong-maria na talagang pinagkukunan ng plant-based insecticides and a nerve poison slathered at the tips of throwing daggers and star knives;

(5) sweetsop o atis;

(6) madre de cacao o kakawate, matamis ang mga talulot, sapak na ensalada; at

(7) linga (literally, “penis” in Sanskrit) or sesame.

Ah, Musa… may Musa coccinea sa aking halamanan, saging din na ang mga murang saha ay paboritong sigirin ng mga lamok—kabilang pati lamok-dengue—na itinatanim sa hilagang silangan ng tahanan bilang pagpupugay o parangal kay Lakshmi, bathaluman ng kariktan at kasaganaan sa pamumuhay. Kailangang diligan tuwing Huwebes bilang pagbati sa naturang diyosa.

Pangwaksi rin sa sunog at kapahamakan ang pakay sa pagtatanim ng saging sa loob ng bakuran… aaminin kong madalas na magkamali, kung saan-saang lungga ng dilag nakakapagtulos ng saba.

Napagbilinan ang kumare, huwag munang pakainin ng saging ang aking musmos na inaanak… sumisingaw kasi ang taglay na biokemikal ng saging sa balat ng kumain, talagang pupupugin ng lamok.

Pero hindi siya napigil nang sa saging ko nanggigil, she just went bananas!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...