Skip to main content

FLIPINO


MAS mahal pa ang ragiwdiw—a hardy type of water weed-- kaysa bigas sa Bikol. Pinatutuyo, hinahabi, tinitirintas… sa malikhain at masinop na kamay, nagiging kaakit-akit na sapin sa paa… sandalyas, sapatos, tsinelas. Nakabili noon ng ilang pares sa palengke ng Naga City sa Camarines Sur—pasalubong sa misis at anak na babae.

Hindi lang naman ragiwdiw ang nagagawang sangkap para makalikha ng sapin sa paa— may karagumoy, abaka, saluyot, uway, tilad na kawayan, pinokpok o panloob na balat ng puno, bunot ng niyog, nito, samut-saring hibla na mahahagilap, matutukoy, mahahango sa parang at dawag na lawak ng lupain.

Sabi nga’y low technology lang ang mga likhang kamay mula sa mga mahahagilap na sangkap sa paligid.

Sabi nga’y (1) teknolohiya, (2) kaalaman at (3) katangian ng tao ang tatlong sangkap na kailangan sa paglago at pagsulong… at pinakamatibay na haligi ng kaunlaran ang katangian ng tao—hindi umaasenso ang gunggong na, batugan pa.

Kaya nang udyukan ng isang katoto upang mag-ambag ng kahit konting halaga, pambili raw nila ng kung ilang dosenang pares ng tsinelas, ipamimigay sa mga yapak na paslit sa ilang liblib na lunan sa Sierra Madre… hindi naging madamot sa simangot.

Nakarating na rin ako sa mga naturang lupalop, nakilala ang isang matandang babae, pandalas sa usal-dasal tuwing angelus or vespers hour, naglalala, bumubuo ng bilao-- flat basket for winnowing rice-- mula tinistis na kawayan, naititingi daw ng P100 isa… at wala sa lukbutan ang pag-agos ng kita, bumubukal mula masinop at malikhaing diwa. Sabi nga ni Cicero, “Omnia mea mecum porto”— dala ko lahat ng taglay ko, dunong ang aking yaman.

Kapag isinalang ang ganoong isipan, inilapat ang mga kamay sa pagbuo ng sapin sa paa mula samut-saring hibla at sangkap sa paligid… will that kindly soul likely turn up weapons of mass destruction? Ah, Creator expects creature to be creative.

Kaya hagalpak ng tawa tuwing makikita ang mga tagpo sa telebisyon ng pamimigay tsinelas ng TV celebrity sa mga nakayapak na musmos sa iba’t ibang lunan sa kapuluan. Parang nagpalimos ng iilang isda sa mga paslit na nakalublob sa palaisdaan.

Uh, necessity in puris naturalibus isn’t exactly the mother of creation… necessity, she’s not exactly drop dead gorgeous and mendicant thoughts, say it again, mendicant thoughts… again, mendicant thoughts… such thoughts obscene hardly ever get a rise and do some serious business of fucking.

Eh, mauugat nga pala ang tsinelas sa katagang chela—na mula sa Latin na ang katuturan ay sipit ng talangka at mga kauri nito, aba’y talagang umaangkop sa utak-talangka… nag-ugat rin sa katagang Hindi, cela na hango mula Sanskrit na ceta—na ang kahulugan ay “alipin” o “alila.”

Mas uso na ngayon ang flip-flops.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...