Skip to main content

SANLINGGONG GAWA-BATA



Crisp-fried elephant foot yam or pungapong.

PITO ang kanyang naging anak, kung saan-saang panig ng bansa napadpad. Isa-isa niyang dinalaw, inalam ang kalagayan.

Gano’n lang ang takbo ng nahapyawang nobela… na talagang payat at payak ang ubod at buod—isalin sa sariling pamumuhay ang mga nalaman o naunawaan sa buhay.

Pulos pobre pa sa daga ang kalagayan sa buhay ng mga anak na dinalaw… kaya humihilahod sa buntong-hininga, hikbi, hapdi at hapis na hinagpis ang usad ng binabasa.

‘Kakapika talaga kapag namihasa na sa maliksi’t rumaragasa… humaharurot, bumabarurot na musika nina Johann Sebastian Bach, Antonio Vivaldi at Van Halen… sabi nga’y the quality of your movement determines the quality of your life. And there’s broad hint of rape in rapid, rapids, rapine… ave de rapiña. Hindi tinapos basahin ang nobela.

Sanlinggong gawa—pitong anak natiyanak pawang sa dalita nasadlak. Ni hindi nagpahinga sa araw ng pangilin… sa Diyos ang awa, sa tao ang gawa-bata… kaya dumadanak, sumasanaw pa rin ang laway ng Simbahang Romano Katoliko at health care professionals hinggil sa reproductive health bill sa Kongreso.

Nemo dat quod non habet—hindi mo maibibigay ang hindi mo taglay.

Aba’y tumpak pala ang payo ni Lao Tzu sa Tao Te Ching, “in family life, be completely present.” Such doting presence nudges the gray matter, recent findings indicate, to turn up more neurons in both parents and children that makes them keener, sharper, brainier… need we say better equipped for life’s challenges?

Chew that, including the Bruno Bettelheim notion on life-script that parents can sink—read: hardwiring, software programming-- into the character and kismet of their offspring.

Or the proverbial Solomon counsel— train a child in the way he should go and when he is old, such train will not be derailed, fly off its tracks… or something as far-fetched as hurtling off into space.


Sambuwang barukbok—30 dilag na dinilig-diligan, gano’n siguro ang mas magandang paksain kung susulat ng nobelang katakam-takam namnamin. Isa-isa silang sasadyain, aalamin kung ano ang kanilang kinahinatnan matapos tinalikdan… no, that last word simply means turning one’s back, it doesn’t connote rear entry.

T-teka, binabalik-balikan ko noon ang isang abuelo… sapak talaga ang kanyang nagliliyab sa anghang na ginataang tagunton o freshwater shrimps na may talbos ng pako o fiddlehead fern, saka sinigang na kanduli o crucifix fish sa bayabas at pungapong (Amorphophallus campanulatus).

Pumanaw na siya, naisalin sa ‘kin ang lihim ng kanyang lutuin… pero ‘hirap talagang maghagilap ng mga sangkap sa pamilihan—tagunton, kanduli, pako, pungapong…

Reality check: Sa halip sumagap ng alimuom ng hinagpis, hinampo at hinanakit sa buhay ng kaanak o kaibigan na sinasadya saanmang lupalop, patuloy pa rin sa pagsisinop ng mga sangkap at pamamaraan sa lutuin.

Pati luto ng Diyos.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...