Skip to main content

Aubade, angelus, isha


Yoni-lingam configuration in the aroid lily.

“… bring on an assortment of characters to weigh the word and show me its meaning in my own life.”
Ray Bradbury


MAAARI nang ipasok sa aklat ng mga patay na dalangin o Necronomicon ang mga salitang ito— so effete and out of fashion, largely unused and unheard of these days digital—(1) aubade o pagbati sa bukang-liwayway, dalangin ng pasasalamat; (2) angelus o orasyon, paglilimi at dasal na naman sa takip-silim kasabay ng mga butiki, kuliglig at karag, at (3) isha, dasal na naman bago humimlay, tiyak may sahog pang umaatikabong hikab tulad ng kay Datu Unsay Ampatuan, pwe-he-he-he!

Hindi naman siguro manghihina—seven days without prayer makes one weak—kundi manghihinawa… hindi na kasi uso. Nakasuksok na sa kung saang libingan ang mga ganitong gawi, pero kapag may pagsuyo… hugot-suksok, hugot-suksok, hugot-suksok pa rin para may maluwalhating kinalalabasan.

Nanghilakbot muna saka sinabi sa ‘kin ng isang guro na pinakialaman daw ng isa niyang pamangkin ang kanyang Necronomicon… binasa raw nang malakas ang isang dasal… sinagpang ng maamong aso, naulol siguro nang makarinig ng patay na dasal… Kibit-balikat lang sa kuwento, canine hearing is nearly two dozen times keener than a human’s and we’ve been torturing canines with pyrotechnics noise at every year-end— so let sleeping dogs lie just like one Gloria and her running dogs

Teka, dapat na kilatisin muna’t iburol, paglamayan ang mga katagang ibabaon sa aklat ng mga patay na dasal.

Katunog sa mariing bigkas ng namayapang Odette B. Alcantara, oh, bahd—ang sama!—ang bigkas sa aubade… katumbas ‘to ng sadhana sa Sanskrit, “disiplina” ang katuturan… makakalkal ang bio-pic ng isang dating Pangulo ng bansa, “Iginuhit ng Tadhana,” Written by Destiny… mabubungkal din, “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”

Sadhana = sa (all) + dhana (blessings).

Tsk-tsk-tsk…’kakapanghinayang ibaon sa libingan ng mga patay na dasal ang lahat ng biyaya…

Entonces, kahit na kay O-Sensei Morihei Ueshiba, ama ng aikido… sa kanya napulot ang aubade, magtitiis na lang ipagpatuloy ang ganoong gawi sa bukang-liwayway… para kahit naghihingalo, masalinan ng katiting na hininga.

Umaarangkada na ang prime time TV sa pagsapit ng angelus o orasyon… talagang makikipagpaligsahan ang usal-dasal sa tungayaw, tilian, at sigawang ikinukuskos ng soap opera, pero mas gusto kong isalaksak sila sa washing machine.

Sablay pala ang sabi si Henry David Thoreau, “men lead lives of quiet desperation,” aba’y mas makapal pa sa libag at dumi ng taong-grasa ang ingay na umiilandang sa prime time… para maiba lang, tuloy pa rin ang pagdaraos ng orasyon— kasintunog kasi ng oras-oras, rasyon… eh, pandalas na maidasalsal, “give us this day our daily broad…”

‘Yun ang sapak na pagkain sa araw-araw, gabi-gabi, cholesterol-free, non-fattening, and gives copious jolts of oxytocin, the happy hormone… but this diet can only be enjoyed by those with members of good standing, mwa-ha-ha-haw!

Isha muna bago matulog, mahal.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...