Skip to main content

Labas sa kuwarta o kahon

KULANGOT man ang sosyo sa Hacienda Luisita nina Presidentita Cory at mga anak, simbigat ng batong ilohan— a huge carabao-driven stone cane-crusher—ang nasabit sa kanilang leeg… ipinagduduldulan ng mga Kaliwa’t Saliwa dapat ipamahagi na ang sugar hacienda ng angkang Cojuangco sa mga nagsasaka nito bilang pangunahing halimbawa ng pagpapatupad sa repormang pansakahan… na hindi nagawa ni Tita Cory, malayong maipatupad nina Noynoy at mga kapatid.

Kukutuban… mga Kaliwa’t Saliwa ang kapural nang harangan at tulusan ng mga bandilang pula ang bukana ng Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004—nauwi sa ratratan, 12 humarang pati dalawang bata ang nasawi, daan ang nasaktan… walang nasakote sa mga rumatrat… sinisi ni Noynoy ang mga humarang… nabanggit na karamihan sa mga nasawi ay hindi naman namamasukan sa Luisita… baka minumulto pa rin sila ng mga iyon.

Langib ng sugat na natuklap, dumugo uli ang Luisita sa kaigtingan ng kampanya… sabit sa balag ng alanganin ang Noynoy, naungkat ang hindi matuloy na balak na kumalas sa Luisita… ipagbili sa sinumang interesado ang kanilang katiting na sosyo… maybe execute a deed of donation of such shareholdings to my sugar from Capas, Tarlac-- sweet Dang Pineda… lunas na de-kahon, they ought to think out of the box… and decisions borne of political will-- like charity-- begins at home… they have yet to begin.

Bakit kasi kung kailan namamayagpag na sa kampanya, saka sumusulpot ang ganitong sabit… na kung ilang ulit nakaligtaan… o sadyang nakakalimutan… o talagang hindi inaasikaso. Kaya natetengga. ‘Tapos biglang-bigla. Sasalampak na tila ensaymada ng kalabaw sa sariling mukha.

‘Hirap talaga magpalusot. ‘Hirap ding makalusot.

Possessions possess possessor. Mahirap kumalas, lalo na ngayong saliwa na rin ang takbo ng klima— the hideous reality of global warming that continually wreaks havoc on crop and livestock yields… so sugar prices are on an unprecedented upswing owing to global production shortfalls plus dire fact that artificial sweeteners are murderous to your health… so sugar-derived profits can be sweeter this time… so would Noynoy yield “a little over 2% of hacienda shares” to cozy up to aggie nitpickers?

Pawang mga kapatid ni Tita Cory ang may hawak sa 70% ng Hacienda Luisita, Inc. Ipinamigay na nila ang 30% sosyo sa mga magsasaka ng Luisita sa pamamagitan ng stock distribution scheme.

Tinga na lang ang maililimos ni Noynoy… kung sakaling tutuparin niya ang ipinahayag na bibitiwan ang Luisita… bakit hindi naisipang ibenta na lang ang konting sosyo sa majority shareholders para mawala ang kargo de konsiyensiya’t bagahe sa pulitika?

Matinding pagbraso ang kailangan niyang gawin sa kaangkan para isalong nila ang 6,435-hectare plantation estate sa repormang sakahan. Ubrang gayahin si Money Villar… kudkurin ng bulldozer, gawakin ang mga pananim… tayuan ng subdivision for quick short-term windfall.

‘Hirap tugunan sa hokus-pokus na pangako ang mga suliranin sa sakahan… Noynoy has yet to come to grips with aggie woes in his own backyard. It won’t likely be any better for him tackling such on a nationwide scale.

Comments

Anonymous said…
Manong, marahil hindi ako ang unang nag sabi na nito, pero napakahusa nyo pong mag sulat. Magbabasa pa po ako ng mga gawa nyo. Mainam at nadampi ako sa munting bahay nyo dito sa blogger.com

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...