Skip to main content

Pagpuksa ang paksa

SA isang banatan, lima ang tumumba sa buga ng tingga ni Ka Abner Afuang… pero may mas iba pa palang nautas sa higit na naunang mga karanasan bilang pulis-Makati, noong Nemesio Yabut pa ang alkalde, naikuwento niya.

Nagkita kami sa Intramuros, tutuloy sana sa tunggaan… pero mas nag-iingat na si Ka Abner sa traydor na tambang ng low density lipoproteins or bad cholesterol. Kaya nagsalo na lang sa katas ng kahel na sangkatutak ang lamukot upang mailabas sa katawan ang labis na kamandag. Na mas matindi ang panganib.

Tukal o water lily ang pakay ko. Nabanggit niyang nagtusak ang ganoon sa kanyang bakasyunan sa Pagsanjan (tumakbo siyang muli bilang punong-bayan doon, hindi raw maatim na mambraso kaya hindi nanalo), kung may panahon… ubrang sadyain. Magbungkal at mag-uwi ng tukal.

Hindi ko nabanggit na mas matindi ang ginagawa niya. Fasting o ayuno na parang Indira Gandhi, Gautama Buddha o Hesukristo—pero hindi na kailangan pang maghalang ng mga kartelon at bandila upang maihayag ang siklab ng saloobin sa mga kinauukulan. Meron na rin siyang pitak sa pahayagan… na ang pinakahuling pakay na tudlain… Kris Aquino na tila nagiging pabigat pa raw sa kanyang kapatid na pangulo ng bansa.

Kung balak uli niyang tumakbong alkalde ng Pagsanjan sa 2013, nagsabi ang punong lalawigan ng Laguna na bahala itong tumustos sa kanyang kampanya… pero parang mas kuntento na siya sa mga mumunting kampanya sa pagsusulat… Scribere est agere, sabi nga—pagkilos ang pagsusulat… na madalas na mitsa rin ng buhay ng sumusulat.

Para naman daw makalikom ng pondo para sa mga pamilyang naulila ng mga pinaslang na peryodista, magpapanukala siya sa pamunuan ng National Press Club… run for a cause, kukuha ng mga sponsors upang mag-ambag ng kahit konting halaga na ibibigay sa mga pamilya ng mga nasawing kapatid sa pangangailangan.

Kasi nga, kapag hindi na kayang tumakbo, hindi na kayang sumabak sa sagupaan… ganoon ang napulot na payo mula Seven Samurai ni Akira Kurosawa.

Tiyak na magugunita rin sa Kasulatan ang kampanya sa pakikidigma ni Joshua noon… na kapag iniatas ni Yahweh na ubusin ang kalaban—matanda, babae, bata, pati mga alagang hayup at bawat kagamitan sa bahay pati pananamit—kailangang tuparin ang atas para umutas. May mga lahi na kinamumuhian ni Yahweh. Kinakatkat talaga sa balat ng lupa dahil hindi makadiyos ang halimbawa.

Mababanggit na rin ang tagubilin sa Bhagavad-Gita ng bathalang Krishna sa kanyang kinagigiliwang alagad na Arjuna… umani na lang siya ng tagumpay sa pagkitil sa buhay ng mga tao na matagal nang patay sa kanyang paningin.

Sa mga lihim na aralin naman sa ninjutsu o sining sa pakikilaban ng mga ninja, kasangkapan na lang ang ninja upang magpakamatay ang matagal nang patay na ayaw pang magmukmok na lang sa hukay…

Anupa’t higit na dapat mahintakutan ang wala sa katuwiran… sila ang pinapaksa ng pagpuksa.

Kabakas ang katotong Ka Abner sa mga ganoong layunin.

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal