Skip to main content

Gunita sa pawikan


NAGSIMULANG sumansang ang bangkay ng pawikan, napadpad sa pampang ng Bolinao nitong nagdaang tag-araw, walang gumalaw, walang nangahas na ibaon man lang sa buhanginan.

Apat na pirasong talukap sa likod nito ang tinungkab ko… tulad sa sungay-kalabaw.. magagawang payneta, sinaunang ornamental comb.

Malakas pa naman pala ang gagap at pulso… kisap-mata sa baklas ng tila nakalapat na yero sa sunong na bahay ng pawikan… napansin kasi na parang mula limbag-kahoy o ukiyo-e ng henyong Katsushika Hokusai ang mga guhit na nakalagda sa bawat talukap, kawangki ng sunod-sunod na sugod ng mga alon ang anyo… in feng shui, wavy lines in design motifs can bring money and opportunity.

Ah, a sea denizen can be taken out of the depths, but the depths have left palpable hallmarks and stays in such a denizen.


Hindi ko na pinakialaman ang tuka... kawangis ‘to ng pagong sa tabang na kapag isinagpang, mag-iiwan sa pinagsagpangan ng bahagyang pamumuo ng dugo. Na hugis puso! ‘Yun ang tunay na love bite-- may isisiwalat kahit mawawalat ang bahaging kinagatan ng sagisag ng pagsuyo.

Sa pabula ni Aesop, kahit makupad ay masigasig sa pagsulong ang pagong—kaya panalo kahit sa karera, ad astra per aspera. Saka sagisag ng mahabang buhay at katatagan ang pagong at pawikan… naipapayo nga ng mga bihasa sa feng shui na maglagay ng pigurin nito sa ilalim ng kama o kahit papag na tulugan, panlunas daw sa insomnia et aegri somnia.

Pero iba ang lindol na uulaol, kikiliting kanta mula alaala—ab imo pectore, mula puso man o puson, sabi nga ni Julius Caesar-- kapag napadako sa silid-himlayan: “Si Haring Solomon, may alagang pagong, may biyak sa likod—parang pinalakol. Ang pagong na ito’y mahilig sa saging, ‘pag sinusubuan ay pagiling-giling!”

‘To ang dahilan kaya hindi maatim na tawaging mouse o daga na may pinapalitaw na palaso ang kabit na sangkap ng computer… hindi naman kasi hinihin… oops, pinipindot-pindot at hinihimas-himas madalas para dumulas ang daloy ng pagsusulat, pananaliksik, at paghahalungkat ng samut-sari sa computer.

Para mas masaya nga kahit tunog-malaswa pero mula pa sa katha ni Nikolai Gogol, tinatawag na “Taras Vulva.” O kahit “monay titibok-tibok” na lang. Masyadong mahaba kaya pagong na nga.

Ginawang palamuti ang apat na pirasong talukap-pawikan sa desktop computer sa bahay… pang-antig sa masigasig na pagsulong sa ginagawa… uuntag sa pinakasikat yatang limbag-kahoy ni Hokusai, The Great Wave off Kanagawa na naglalarawan ng Bundok Fuji at mga lunday na tinatahip ng mga alon.

Maipapakuwadro siguro, parang likhang sining kasi… pampasuwerte, panregalo sa kinagigiliwan na magdiriwang ng kaarawan, pambati kaugnay sa pagong na sagisag ng masigasig at mahabang buhay: “Ad multos annos!”

Binabati ko pa rin ng maligayang kaarawan sa Hulyo 30 ang yumaong si Julius Fortuna, lalo ang mga kapiling pa ring sina Grace B. Ongpin at ang aking kaliyag na asawa.

Comments

人生中最好的禮物就是屬於自己的一部份..................................................
ToryO_Vis建銘 said…
堅持是為著某種目的或目標,而持續不斷朝向既定方向努力的一種意念。..................................................

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this:

"Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well."

Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass.

When the damage gets to a certain point, cells self-destruct. T…

Singkamas

MAYAMAN pala sa tinatawag na phytochemicals o sangkap na panlaban sa samut-saring sakit ang singkamas—na sa alias nito sa Latin ay talagang kahindik-hindik na ang dating, Pachyrhizus erosus. Tunog erotikong suso sa dulo.

Jicama ang pangalan nito sa pinagmulang lupalop. Mula pa Mexico, nakarating sa ating pampangin nitong kasagsagan ng kalakalang Manila-Acapulco. Jicama. Sumablay ang bigkas dahil kasintunog ng “higa kama.” Nabalbal. Naging singkamas sa ating wika.

Pampigil sa salakay ng kanser, pampababa ng antas ng masamang cholesterol sa dugo, likas din na antibiotic o pamuksa ng mikrobyo sa katawan. Pampalakas sa likas na panlaban ng katawan kontra sakit. Anti-oxidant o pampahupa sa pagiging amoy-lupa. Karaniwan ding gamit na sangkap sa siomai at lumpia.

Hubad na lumpia! Opo, hindi hubo’t hubad ang tawag sa naturang lutuin. Hubad lang. Masarap kung may kalahok pang budbod na mani.

Kaya nakagawian nang talupan ng mga hayok. Ilalantad ang kinis-labanos na laman na pinipithaya (kahu…

KASI NANLABAN