Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2010

Bingit ng krisis sa krudo

MAY 120-araw na imbak ng mga produktong krudo ang Japan na pantustos sa pamilihan—30-araw na imbak lang ang itinakda sa Pilipinas, at inalis na ang ganoong takda nang umiral ang deregulasyon sa local oil industry . Para makapatas sa kompetisyon ang small players , tulad ng mga katotong Noel Florido’t kasamahan na umaangkat ng refined fuels mula India. Pumatas naman sa gitgitan ang small players , unti-unting inagaw pati na ang hawak sa pamilihan ng mga dambuhalang tulad ng Pilipinas Shell—na 30% na lang ang market share ngayon, at patuloy na nababawasan… Meron nang level playing field , meron ding laging nakaabang na banta ng oil shortage —wala na kasing takdang imbak na pantustos sa mga bibili… kapag sinamang palad na maharang ng mga pirata sa Somalia ang oil tanker na may kargang pantustos sa ‘Pinas, kasunod tiyak ang oil shortage . Nang tinangkang samsamin—hindi sa Somalia kundi sa Batangas-- ang bulto ng krudong isasalang sa Tabangao refinery ng Pilipinas Shell kamakailan, munt...

Pagibik pag-ibig sa anghel ng ulan

“Crop damage from El Niño to exceed P10B“ Headline, Business Section Philippine Daily Inquirer February 22, 2010 HAGUPIT ng init lumatay sa dibdib At puson ng lupa… maging sa talahib Na butuhang kamay, kakaway sa langit Habang agaw-buhay sa hurnong paligid. Titis na tatarak sa labia ng linang Susulsol na gatong… liyab ng tag-araw At maglalagablab maging pagkauhaw Upang mahalukay gunita ng ulan. Napunit na pisngi ng lupa’y dampian Ng hibla ng hamog sa madaling-araw; Sa tanghaling tapat ay limusan man lang Ng haplos na lilim ng punong kalansay… I haplos ang agos ng hangin sa kugong Balumbong sinangag sa buong maghapon… Untagin ang katas ng natuyong balon, Kahit lang sampatak, h’wag ikait ngayon… Ah, sumasagitsit ang ningas ng uhaw A t saplot na lunti, hinubad sa darang… Nakatiwangwang na… sabik… umaasam: Gulanit na lupa-- kahabagan man lang.. P atakan ng kahit kapirasong yakap Upang mapawi ang hapdi’t paghihirap… Kahit na lirit lang sa buong magdamag-- Ibuhos na lubos, ilimos ng ulap! ...

HAR-HAR-HAR DINERO

“Great souls have wills, feeble ones have only wishes.” Chinese proverb “Our bodies are our gardens. Our wills, the gardeners.” William Shakespeare S ANLIBONG piso ang isang punggok na kawayang takip-pagong, higit na kilala sa tawag na “sikmura ni Buddha”… nakatanim na sa pasong plastik, dalawang dangkal ang taas, inangkat daw mula Thailand. Dalawang libo naman sa karaniwang takip-pagong, anim na talampakan ang haba, pinatubo sa sisidlang plastik, maililipat agad saanmang hardin. Sa balak itanim, hanay na limang puno upang maging matatag na suhay sa likod-bahay—at sa kabuhayan ng pamilya—papatak na lima hanggang sampung libo ang malalagas sa bulsa… ‘langya, magastos talaga ang halamanang pinasimulan sa tahanan ng mga apong Musa at Oyayi. Sulit naman kung sakali—kung bubuhayin sa kaliwa o silangang bahagi ng lote, tatanggap ang pamamahay ng saganang dragon energy , na pinakamatindi at pinakasuwerteng alimuom na masasagap ng pamamahay at mga naninirahan dito… ganoon ang paniwala sa feng...

'La lang

UMANGAT na ang presyo ng asukal, mananatili marahil sa ganitong antas sa 2-3 taon pa… at magugunita ang pagsisid nito noong mga taon ng 1980 hanggang 1990 sanhi ng surplus production saanmang lupalop sa mundo… salagmak ang kabuhayan sa pulo ng Negros, lalo na sa mga bayan nito na pumapangos ng tubo, gutom ang mga sakada’t kontratado… sinimulan noon ni Boss Danding Cojuangco na ilaan ang kalapit na pulong Guimaras sa mangga at ilang-ilang upang masagip ang lokal na ekonomiya. Pero sakmal ng gutom ang mga musmos ng Escalante’t kanugnog na bayan. Sa Haiti at Panama sa paninibasib ng Depression Era bago sumiklab ang World War II, umagas ang ulat hinggil sa mga ti-dan… zombies… working gangs of the undead who toil in the sugar cane fields 24/7 without pay, just scraps and slop for food… dirt-cheap, tractable labor that won’t whimper or complain at such extremes of exploitation… Malapit na kaanak ng talahib ang tubo—pansinin na magkatulad ang kanilang biyas, pati na ang bungkos ng ulap na...

Second thoughts

PARANG Peter Pan, kakapit sa masayang isip— just one flimsy thread of a happy thought —at makakaya, malaya nang papailanlang sa himpapawid… lumipad na tila limbas, humaginit na tila alaala sa kalawakan. Pero subukang gayahin ang ganoon— hold on firmly to a single thought. We double dare you, do it if you can. Parang pumigil sa naghuhuramentadong pison, parang umawat sa walang humpay na hagod ng alon sa dalampasigan… walang hinto ang kawing-kawing, kawan-kawang sagasa’t ragasa ng isip. Mas madali ngang pigilan ang paghinga. Kahit pa nga dalawang minuto, pansamantalang mapipigil ang hininga—lalo na kung tatambad bigla sa paningin ang katakam-takam, makapigil-hiningang tanawin… halimbawa’y sunod-sunod na inararo ng backhoe ang batok ng mga kapural at kasabwat sa Malakanyang sa Ampatuan Massacre … o nagsulputan kaya sa hukuman ang 57 biktima, pawang agnas na bangkay, sumusulasok na ang pagkabulok pero matamang magmamasid sa pagdinig ng kaso… na wala talagang kahihinatnan, pwe-he-he-he! E...