Skip to main content

Tugon kay Chi

BALIBAG-TEXT: “Wg mo madaliin bos ung buk. Take ur tym. Writer ka.”
Sent: 31-Oct-2008 14:19:43

SALA’AM at salamat sa payong katoto.

Iba ang nakikinig sa mga hiling ng sariling katawan, lalo sa tulad kong pagsasalansan ng mga kataga—logos na may rhema (kaakibat na poder o kapangyarihan sa pagbigkas) o baka rayuma kung hindi gayuma-- ang kabuhayan… salamat din sa paanyaya sa pagsalunga muli sa bahagi ng Sierra Madre sa dakong loob ng Montalban… para isalong at maipahinga ang mga pasanin sa isipan. Kayang ibsan ng kabundukan ang mga ganoong dalahin.

Nabanggit ng panganay kong anak na kabilang sa mga aklat na binasa niya sa mga natipon ko ang “Necronomicon”—kalipunan ng mga patay na panalangin at pangalan. Karaniwang nakapagitan sa Bibliya, Koran, at Bhagavad-Gita ang naturang aklat. Para maibsan ang kakatwang alimuom nito mula sa samut-saring sagisag ng mga limot na bathala at mga nakalahad na mga panalangin at pangalang nakapaloob doon.

An instructor from one of the leading state universities cringed on seeing me poring over that book some years ago, even told me that she once kept a copy… two of her nephews got hold of it, read aloud the incantations without much thought for the consequences… days later, precocious nephews lost each an arm and a leg in an accident. She confessed to having some difficulty burning the accursed tome.

Talambuhay lang din ang “Necronomicon” ng isang hampaslupang paham na nangahas makipagtalastasan, umuntag sa samut-saring bathala ng karimlan’t walang hanggang kalawakan… kagila-gilalas na pakikipagsapalaran na mahirap paniwalaan… parang mga inilahad na mga himala’t sagupaan sa Bibliya, which, in some moments when fancy strikes me, I relish as outlandish tales of the marvelous.

Tagpi-tagping talambuhay lang din ang ipinapasulat sa ‘kin, marami ngang kulang sa kinalap na kuntil-butil, patalun-talon na masahol pa sa palaka… nagkuwento na lang sana, kuwentong parang nagkumpisal para higit na matindi ang paglalahad… para mas madali sa areglo… and as imagination is much forceful than knowledge, I’d have to use armfuls of imagination to get this semi-biographical sketch coherently down pat.

Iba kasi ang tadyak ng kuwento kaysa argumento. Argumento na bubuhusan lang ng kasunod pang argumento.

Ang sarap na paglaruan ng pagkukuwento kung ako ang masusunod sa binubuong libro… magagawang parang magical reality ang takbo ng pangyayari katulad ng ginawa nina Jorge Luis Borges, Isabel Allende, Paolo Coelho’t Gabriel Garcia Marquez sa kani-kanilang mga katha. Iba ang katangian ng magical reality na umiiral sa bansa natin, kailangang ibuyangyang, halimbawa’y ‘yung nakatambad na kuwento hanggang sa ngayon, “Ale Baba and Plenty Thieves.” Ah, sinunog na damong kutha nga pala ang ginamit niyong sumulat ng “Necronomicon”… kung baybay-bigkas ang pagbabatayan, mukhang mutha—na marami sa ating paligid-- ang naturang damo na nakakatawag-pansin sa mga bathala’t kagimbal-gimbal na mga nilalang na nakatambang sa karimlan ng walang hanggang kalawakan…

Salamat, libong salamat sa patuloy na tiwala. Mas madaling magsalansan ng argumento’t manghalihaw ng laway. Mas masakit magkuwento na magsasalang ng puso’t pagkatao… pero gano’n ang gusto kong paraan ng kuwenta’t kuwento.

Kaya ko ‘yon.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...