Skip to main content

Markadong hudas sa Pilipinas

Ngitngit ng anak sa doodles11006@yahoo.com:
IN a workers’ strike in one of our company’s camps, a Saudi guard, a Nepalese camp coordinator and an employee from the human resource department were mauled. The mauling stemmed from an unjust memo posted by the Administration office. Apparently, Sri Lanka and Nepal nationals got fed up with some company policies. Such anger was rubbing off on Filipinos there and as reports put it, they were likely to join the strike and they were asking us if we would support them. Most of us weren’t saying whether we would or not. To "play it safe.”

The strike bore fruit-- the company gave in to the demands of the entire Sri-Lankan and Nepalese communities, while Filipinos were left to envy their unity over such a cause which benefited them greatly. OFWs wanted to play it safe.

Ngatngat ng ama sa noqualmasabomb@yahoo.com:
HINDI ko na isinama sa pitak na ‘to na isusuplong ka ng mga kasamahan mong Penoy bugok sa mga nakatataas sa kompanya. Ayaw mo kasi ng “play it safe.” Kakasa ka. Kanino ka ba nagmana?

Naranasan ko nang inguso sa kalaban ng itinuring na kaibigan… maski naman ‘yung isang ninong mo, kasamahan din ang nagdiin sa kanya sa kaso… kaya binalikan niya ‘yon, tinunton… Maraming Katoliko sa Pilipinas, marami ring hudas. Karaniwang palatandaan ng hudas: mabunganga.

At hindi ko ugali ‘yang deba-debate’t pagbabate ng dila. Mas gusto ko pang umulaol na lang sa kumakatas-katas na hiwa para matuklas, masibasib ang hiwaga.

Rather be lewd than loud I would. There’s a lot of daring and baring entailed to live life to its fullest— and such life’s neither for the weak of will nor faint of heart.

Kaya nang sabihan ko ang panganay na apong Musa—Bantay Bata ang ginampanan naming papel nitong nakaraang Linggo-- na mas madaling mag-alaga ng mga aso’t pusa kaysa kanya, tinaasan ako ng kilay. Mas madali nga namang mag-alaga ng mga aso’t pusa. Pero humagikgik nang ikuwento kong naulinig ko ang malutong na pagsasabi niya ng “Agi”—mga alas kuwatro ng umaga—na ang ibig sabihin ay gusto na naman niyang sumuso.

Para sa sanggol na wala pang dalawang buwan, tatlong kataga pa lang ang malinaw na nabibigkas ni Musa: agi (gusto kong sumuso), hingi (inis na ‘ko, gusto kong sumuso), at Ging (na tawag sa kanyang ina, kay Angeli).

Ikinarga ko kahapon ang larawan naming maglolo sa kulamnista.blogspot.com at mangkokolum.blogspot.com—at nagsimula na ang dalas na pagpatak ng bilang ng mga dumadalaw doon para makapulot ng samut-saring paraan sa utog at pambubulog ng tulad kong saksakan ng libog.

Apat na taon ka nang bitbitin kita upang mapanood ang isa kong premyadong dula. Sa tagpong kainitan ng harumpakan ng pangunahing tauhan at kalaguyo nito, maririnig talaga kapag naghulog ka ng karayom—pero bumunghalit kang bigla, “Ay, bastos!” Dagundong ang gumugulong na kulog ng tawanan sa buong tanghalan. Ipapalabas muli ang dulang iyon. Sa Luneta mismo ngayong Nobyembre 6 at 8 alas siyete ng gabi.

Nanood ako minsan sa kanilang rehearsal, inabot ko nga ang paglalahad ng pangkat ng mga taganayon: “Tumindig ka at sumulong sa landas nitong daluyong… Mangahas tumindig, mangahas humakbang… Tagumpay ang bunga ng kapangahasan!”

Pangahas ng dulang iyon—ni hindi ko inisip noon na ubra akong makulong o iligpit ng mga sinagasa nang sulatin ito sa panahong iyon.
To write is an act of war, ani Voltaire.

I didn’t play it safe, made a sage rage upon a stage.

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...