PAKANTOT…hoy, bantot ang amoy ng dollars
Kaya nagsiguro ang ating generals
Burong Candaba na ang dala-dalang cash
Kahit na idaan saanmang laundry wash.
Dahil Amerika’y sobra sa dayukdok
Pati buong mundo ay ibig ilublob
Sa dilim at lalim ng pagkabusabos
Idadamay tayo hanggang sa mahuthot...
Nagpakabundat na saka lumagapak
Sa bangin ng utang sila ay sumadsad
Bilyun-bilyong dollars nalustay, nalaspag
Kawawang taxpayers pa ang magbabayad.
Kaya nang umalis mga punong pulis
Batutang matulis pati mga misis
Katiting na pera ang kanilang bitbit
Kung dollars ang dala, baka pa sumabit.
Baka nga mapika mga taga-Russia
Kung pesos dos cientos kanilang dinala
Sakaling masipat naroong kartada
Kawawang sisipat baka pa masuka…
One hundred five thousand euros ang nasamsam
Na pambili yata ng vodka and caviar…
Baka ihahanda na bagong almusal
Nilang mga kampon nitong Malakanyang.
Bundat na ang tiyan busog pa ang bulsa
Mga gobernador pati konggresista
Kapag sa Palasyo nag-almusal sila
Meron nang palamon at may pakimkim pa.
Magkano lang naman ang katapat niyon
Ni hindi umabot hustong pitong milyon?
Maipapamudmod sa katorseng kampon
Tig-five hundred thousand—kulang pa nga iyon!
Bakit dumayo pa sa pulong Interpol?
Kung ang sabi yata’y “entertain the pulpol”—
Mga konggresista’t mga gobernador…
Busugin ang bulsa nilang mga ulol.
Sa intel equipment daw ba gagastusin?
Ganoong halaga kukulangin pa rin
Since local officials and our lawmakers
Kulang-kulang na rin itong intelligence…
Kahit na matulis silang mga foolish…
Sumablay po ako… dapat “mga pulis…”
Utusan lang sila nating nagbubuwis
Nabubulyawan pa ng kanilang misis.
Sa bansa ng pilay na bulag at bingi
Police generals ang ating sinisisi
Hindi kak’wentutan niyong “Hello Garci!”
Na kaydaming kampon at mga kakampi.
Kaya nagsiguro ang ating generals
Burong Candaba na ang dala-dalang cash
Kahit na idaan saanmang laundry wash.
Dahil Amerika’y sobra sa dayukdok
Pati buong mundo ay ibig ilublob
Sa dilim at lalim ng pagkabusabos
Idadamay tayo hanggang sa mahuthot...
Nagpakabundat na saka lumagapak
Sa bangin ng utang sila ay sumadsad
Bilyun-bilyong dollars nalustay, nalaspag
Kawawang taxpayers pa ang magbabayad.
Kaya nang umalis mga punong pulis
Batutang matulis pati mga misis
Katiting na pera ang kanilang bitbit
Kung dollars ang dala, baka pa sumabit.
Baka nga mapika mga taga-Russia
Kung pesos dos cientos kanilang dinala
Sakaling masipat naroong kartada
Kawawang sisipat baka pa masuka…
One hundred five thousand euros ang nasamsam
Na pambili yata ng vodka and caviar…
Baka ihahanda na bagong almusal
Nilang mga kampon nitong Malakanyang.
Bundat na ang tiyan busog pa ang bulsa
Mga gobernador pati konggresista
Kapag sa Palasyo nag-almusal sila
Meron nang palamon at may pakimkim pa.
Magkano lang naman ang katapat niyon
Ni hindi umabot hustong pitong milyon?
Maipapamudmod sa katorseng kampon
Tig-five hundred thousand—kulang pa nga iyon!
Bakit dumayo pa sa pulong Interpol?
Kung ang sabi yata’y “entertain the pulpol”—
Mga konggresista’t mga gobernador…
Busugin ang bulsa nilang mga ulol.
Sa intel equipment daw ba gagastusin?
Ganoong halaga kukulangin pa rin
Since local officials and our lawmakers
Kulang-kulang na rin itong intelligence…
Kahit na matulis silang mga foolish…
Sumablay po ako… dapat “mga pulis…”
Utusan lang sila nating nagbubuwis
Nabubulyawan pa ng kanilang misis.
Sa bansa ng pilay na bulag at bingi
Police generals ang ating sinisisi
Hindi kak’wentutan niyong “Hello Garci!”
Na kaydaming kampon at mga kakampi.
Comments