Skip to main content

Halaw-awit = halawit = haba ng lawit (Babala: garapal ang titik)

SUMISIPA kasi sa isipan ang mga titik at himig ng awit. Kaya nang minsang nahagingan ng mga titik mula lumang awitin—salin-awit ang tawag-- sa pambansang pulong ng mga manunulat, nakigaya na rin. Ako lang ang pusakal na manunulot sa kalipunang iyon.

Napabilang man sa koro sa simbahan nitong nakalipas na panahon, talagang hindi na mauulit ang ginawa ko minsang pagkanta—a capella pa mandin—ng “Enter Sandman” ng Metallica saanmang kalipunan ng mga sugapa sa videoke. Uki lang ang tahasang kinagiliwan-- ibuka man ang mga labi niyon, hindi kailanman magiging palakanta ang matagal nang kinagigiliwan at kinagigigilan.

Sa halip na salin-awit, matagal nang nasubukan ang salsalin-lawit and its consequent cunt thoughts. Napag-initan na nga ang “What’s Your Flava?” ni Craig David. Hip hop kasi. Umiindayog na balakang yata ang tahasang salin sa hip hop. Magandang pangitain ‘yon.

Hanggang banyo na lang naghahasik ng lagim sa pag-awit, aba’y masarap ang lagaslas ng mainit na tubig sa mga dutsa ng Hotel Sogo, a maverick in-and-outfit if you ask me dahil ipinagtabuyan ang naunang diskarteng “biglang-liko.” Sa kanto’t kanto na nakapuwesto ang mga sangay ng naturang parausan.

Masagwa talaga ang mga titik ng “What’s Your Flava?” kaya sinangkapan ng angkop sa lasang lokal. Hindi na nakakahiyang umalulong ng ganito sa banyo ng sariling pamamahay habang nagkakaskas ng libag at libog sa katawan. Binago na pati pamagat—na pampamaga sa kagat:

Patikim Nga

1.
Patikim nga...
Ibibigay na? (2X)
O bibigay ba? (2x)

2.
Agad na lang sinunggaban
Kasi seksi ang katawan
Matindi pa sa labanan
At ako nga'y nilabasan
Sa bulsa ng tatlong daan.

Nakatagpo ng malupit
Parang sa kuhol sumipsip
Sa pagdila ay lintik
Pati mata ko nga'y tumirik...

3.
Gusto kita
Oh, talaga
Titikman at dadalhin kita
Ang sarap mo
Sarap kainin
Bibingkang kanin
Titisud-tisurin...

(Ulitin ang 1)

4.
Umiinit kasi ang panahon
Kita'y tuyo makikita ngayon
Nagtitinda pakikita
Mabubungkal makakalkal
Masasarap na kalakal

Ititinda sa bangketa
Ititinda ng tindera
Ititinda sarili n'ya
Patutuhog, patitira...

(Ulitin ang 3)

(Ulitin ang 1)

5.
Mag-iinit na ang puson
Maninigas nga ang kanyon
Saang butas itutuon
Nilang mga nagugutom?

Pili na sa Pilipina
Pila na sa Pilipina
Ang dami-dami na nila
Sarili ang ititinda...

(Ulitin ang 3)

(Ulitin ang 1)

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...