Skip to main content

The number of the Beast, 666

LAMPAS alas dos ng madaling-araw. Isang panig ng lungsod Davao. May muulinig nang alingawngaw-tilaok ng mga tandang sa kalayuan. Nadagdag ang biglang bulabog-tunog ng telepono sa tinutuluyang silid ng mumurahing hotel. Napaigtad. Umilandang sa bintana ang namumuo nang mga damsak na panaginip. Soaking wet dreams gone dry instantly.

Kawani sa hotel front desk ang tumawag. Panauhin ko raw. Kaibigan daw. Matalik daw na kaibigan-- dinig ko’y “katalik na maibigan.” Sa alanganing oras? Sobra namang masugid sa pagdalaw ang ganyang panauhin. Nakasalalak sa silangan ang buntalang Venus pero ni hindi pa nga sumisilip ang bukang liwayway—heto’t gusto na agad ibukaka ng lin—ano bang abala--tek na… Panauhin ko raw.

‘Kako’y papanhikin. Patuluyin na lang sa aking silid. Sinabing hubo-tabo ako kung matulog. Saka hilo pa’ng ulo ko sa tama ng toma. Tinatamad na magbihis pa, o magtapi ng kahit tuwalya’t bababa sa front desk para lang alamin kung sinuman iyong kaibigang matalik o maibigang katalik, whatever the heck sounded right to hearing during such woe—awe--ful wee hours.

PAHIKAB na pinagbuksan ang kumatok. Bahagyang umilandang ang hikab. Kinusot ang mata—may muta na pala. Anghel de la guardia civil yata ang napagbuksan. Morena. Makinis. Naka-pink t-shirt, kupas na pantalong maong. Nagngangalit sa pagkahumindig ang dibdib. Lamlam-gasera ang apoy ng mga matang humahaplos sa pagkatindig ko sa bukana ng pinto. Baka naman malik-mata ang nabungaran, naparami kasi ang tungga kangina.

“Papapasukin mo ba ‘ko o hindi?” anito.

Malambing pero dumadagundong kahit pabulong ang boses. O tahip ng dibdib ko yata ang kumakalabog na kulog.

“Papasukin talaga kita… oops, sige. T-tuloy ka.” Alanganin ang paanyaya. Pero hindi naman maipagtatabuyan ang kaharap. Alanganin pa rin ang oras. Baka madagit ng mga mandaragit.

“Dito ako matutulog.” Buo ang pasya sa pagkakasabi niyon. Kinakaldag-kaldag nang tambok, este, tambol pala ang dibdib ko.

“Ako’ng hindi makakatulog nito,” hirit kong patianod, pailing-iling habang ipinipinid ang pinto. Lalo na ‘kong napamulagat nang magsimulang maghubad ng t-shirt ang kausap. “T-teka, teka… ano ba?”

“’Di ba may mapapaliguan dito? ‘Liligo ako,” anito’t tuluyang ibinaba ang pantalon.

Mulagat ang matang napabulagta ako sa kama, tukop ang dibdib. Naninikip ang aking… briefs.

HINDI dapat masundan muli ng mali ang naunang pagkakamali. Ganoon yata ang nakahasik sa utak. Nakasiksik. Parang sexy na’ng katugma ah. Pagkakama… pagkakamali. Madaling pumili.

Lasing na kasi. Sablay na’ng paningin. Nakangiting mukha ni Josefa Llanes Escoda’t kapwa hukom sa Korte Suprema ang naiabot sa dalaga sa halip na nakaismid na mukha ni Manuel Roxas. Sa dilim ng bahay-inuman, hindi na nagkakalayo ang kulay ng laman-lupang ube sa asul ng langit. Sabihin pa bang sandok ang katapat ng palayok, lula sa pangit, oops, lupa pala sa langit.

Kaya pala nagulat ang gaga. Agad inalam—mapilit talaga ang gaga -- kung saang hotel ako tumutuloy. Naipaalam naman bago nagpaalam.

Akalain ko bang tutuntunin pala ako?

PANGANAY o ikalawa yata siya sa pitong magkakapatid—magkakasunod ang edad, sunod-sunod na ipinanganak. Napatoka sa kanya ang pagtulong para makatuntong din ng paaralan ang mga kasunod niya. Haiskul lang ang natapos niya. Hindi na raw kakayanin ng bulsa ang kolehiyo.

Hindi matandaan kung natanggal siya sa Gaisano at lilipat sa SM o natanggal sa SM at lilipat sa Gaisano. Ganoon nang ganoon tuwing ika-anim na buwan. Matatanggal. Mapapasok uli. Malaswang pakinggan. Parang trabahong barukbukan. Palipat-lipat. Papalit-palit. Sa bawat lipat-palit, kailangan ng tone-toneladang papeles na kailangang lakarin, gastusan ng pera’t panahon.

Marami siyang panahon. Kapos sa pera. Halos sa pamilya nila naibubuhos ang bulto ng suweldo—pangkain lang, hindi pa pampaaral. Mahirap talaga kapag maraming bibig na tutustusan ng pagkain. Kinakapos pati ang pagkain. Wala pa ang gamot o biglaang gastos kapag may nagkasakit.

Kapag nasa pagitan ng lipat-palit mula SM-Gaisano-SM-Gaisano…, guest relation officer-dancer muna siya. Para hindi napapatid ang daloy-tustos sa ama’t ina, at mga kapatid. Para may malilikom na panggastos sa lalakaring mga papeles.

“Salamat, salamat, at libong salamat.” Mula sa isang tula ni Amado V. Hernandez. Kasintunog ng nais niya kaya sumalida—ibig magpasalamat sa naiabot sa kanyang sanlibo. Tutugunan ng sanlibog. Kasi nga’y pulos lamutak, lamukos, at lamas lang sa kanyang katawan ang napapala mula kung sinu-sinong mga parokyano ng bahay-inuman. Ni wala pa raw nagkakamali na magbigay sa kanya ng sanlibo. Malayo na raw ang aabutin niyon.

Hindi naman maikumpisal na nagkamali nga ako ng hugot. At talagang nakagawian nang makaniig ang paboritong santo—si San Miguel beer. Ni hindi nga inakbayan o nilikot man lang ang binayaran palang kausap. Bote, bote at bote pa ang inatupag. Kaya pala nagprisinta na ang bata. Payag na ihain, ipatikim ang carne sur.

“NASA pagkatao mo na ang tatak ng sardinas,” bulong ko. Nakikiliti daw ang tainga niya sa mainit na hininga. “555 Sardines. Tagilid at peligro nang masibak tuwing ikalimang buwan. Ang saklap, ‘no?”

“Puwede naman kaming gawing regular. Pero ayaw. Itatali ka lang sa kontrata,” himutok nito. Yumakap.

“Pero may mas malagim pa pala. Your person also bear the mark of the Beast—666! A perennial cycle of six months. Tuwing ika-anim na buwan, sibak ka sa trabaho…”

“Eh sino ang Beast?”

Hindi na ako nakakibo.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...