Skip to main content

Clownselors of state

TATALAKAYIN daw sa binuong council of state—hayan tiyak na walang kokontra sa pagbaybay na hindi ginamitan ng Das Kapital letters para hindi masabing may kulay na pasaway – ang hilahod na kalagayan ng bansa.

Pananaw ng mga nakaluklok sa Malakanyang at samut-saring kabig nito ang inaasahang lulutang sa naturang kapulungan.

Sampisa lang o birds of a feather kasi sila. Iisa ang kulay, pagaspas at tabas ng pakpek, este, pekpak. Magkakatulad din ng paraan sa paglipad at salipadpad.

Ni hindi nahirang na salimpusa ang, halimbawa lang, si Mang Pandoy na itinampok sa panahon ni Tabako. O ang mga batang nagpatianod ng mga bangkang papel na nakarating hanggang sa pampang ng Malakanyang. O kahit si Honest Tinay, Jojo Acuin, Madam Auring, Madam Bola, Enteng Kabisote pati si Darna’t Captain Barbell, Archbishop Oscar Cruz, Eli Soriano, Sex Bomb Dancers, Kitchie Nadal.

Skip any Iron Chef or my huge crush Heny Sison but include that great gastronome Dr. Hannibal “The Cannibal” Lecter—he may cook a smorgasbord out of ‘em councilors of state, eh? Isali sina Sadako, Bob Ong ng bobongpinoy.com, idamay si Tony Kwok at Bong Pineda. And may I nominate the barber who does my hair and Ahriman the demonic deity who presided over the Holocaust?

Of course, we have missed a ton or two of names that have stirred a ripple, pimple or nipple throughout our beloved land. They belong to that gathering of minds and puttering down of behinds to thresh out any two-bit solution to whatever bedevils the nation.

Yes, we know beforehand that too many crooks, er, cooks spill the broth.
Kaya nga nagkakatimbugan-singawan ng samut-saring alingasngas—mula “Hello, Garci,” kurakot mula jueteng hanggang sa halos sambilyon pisong kinulimbat mula sa abono para laspagin sa halalan. Alam naman ng balana na dadanak lang ang laway sa naturang kapulungan. Alam na rin na walang latoy na telenovela ang magiging daloy ng pangyayari sa ganoong pagtitipon.

Kaya nga nagmumungkahi na tayo ng mahirap maapuhap na mga pananaw at kakaibang gawi’t pamamaraan sa kanilang pamumuhay. Baka sakali lang na may mahubog na out-of-the-box solutions. Baka sakalin din ang hininga’t bulsa ng taumbayan.

Baka maging tila telepantasya ang ikid ng magaganap sa kapulungan. Masaya kung ganoon. How we love fantasy and whimsicality—it nudges the mind off its rut, allows the eyes to see matters at the wrong end of a sniper’s rifle or maybe the nuzzle of cannon.

When bread is much too pricey, we’d like to have circuses.

What did that P. T. Barnum circus guy had to say about our population explosion?


Habang naghihintay sa anumang masasagap na malita, dalita at balita mula sa naturang kapulungan, makapagsinop muna't mapagyaman ang kapirasong hardin sa pamamahay. Production-led growth ang kinauuwian nito sa dami ng gulay at halamang ornamental. Pinakapayak na paraan ito para masinop at mapagyaman ang kapirasong lupa na saklaw pa rin ng mas malawak na lupain.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...