Skip to main content

Nagugulangan

MAAPOY daw ang taglay na life force (ito yata ang tinatawag na ki, chi o prana) ng mga binhi ng halaman.

Teka, karaniwang tawag sa binhi ay buto—sinubukan minsang magtanim ng mga buto ng baka. Katwiran nga’y buto rin naman ang tawag sa tadyang at mga kauring bahagi ng baka na mayaman sa collagen, calcium phosphate, at calcium carbonate. Ni walang umusbong na turet o guya mula sa kakatwang pagsubok. Walang sumulpot na bone-inlaid furniture. Hindi na nangahas na ulitin ang ganoong pagtatanim. Kasi’y kapag hindi na naitatanim ang buto, tiyak na may erectile dysfunction.

Talagang hindi na inulit ang ganoong pagtatanim.

Kahit pa may sawikaing hitik sa aral: “Kapag nagpunla ng hangin, utot ang aanihin.”

Kahit pa may sinaunang kuwento ukol sa mga ngipin ng dragon—- u-tooth din yata-- na ibinaon sa lupa nina Cadmus at Jason. Kutob lang na baka ‘yung sa anga-anga o Draco rizali na naipangalan kay Dr. Jose Rizal na nakatukoy nito. Rizal’s dragon. Naipunla sa lupa. Umusbong mula sa lupa ang kawan-kawang kawal na sabi nga’y armed to the teeth, balot sa bakal. Too terrible a tooth fairy to have played a prank like that. Isipin na lang ang nangyari sana sa kasaysayan ng Pilipinas kung nakapagpalago ng ganoon kalaki’t katinding private army si Rizal. Could he have turned into a warlord?

Matapos ang naturang experiment, it was finally concluded na binhi o punla ang talagang angkop na katagang Pilipino ukol sa halamang maitatanim. Hindi na buto.

Teka uli: hindi sana naganap ang may 32 kamatayan sa tatlong bayan sa Palawan kung gumamit ang mga tagaroon ng binhi ng malunggay—durugin ang kahit santasa at salain sa durog na binhi ng malunggay ang gagamiting tubig na inumin o panluto. Halazone tablets ang katumbas ng binhi ng malunggay. Nature’s water purifier ang mature malunggay seeds.

Nabungkal natin sa isang website: “The latest research, funded by the British Overseas Development Agency and the European Union, has established that crushed malunggay seeds are capable of attracting and sticking fast to bacteria and viruses that are found in contaminated water. The seeds produce positive charges like magnets - attracting negative elements of bacteria and other toxic particles.

“This inspired the development of a revolutionary new water treatment that uses malunggay seeds to purify water. Until now, water purification involved costly industrial machines that were unavailable to developing countries – making pure water an unattainable luxury. This groundbreaking new discovery will revolutionize our water treatment practices all over the world and will make clean water available for all people.”


Kapag dalawang dangkal pa lang ang taas ng usbong ng seed-grown malunggay, ubrang kunin ang taproot o pangunahing ugat nito na munting labanos ang hugis. Lasang wasabe. Masarap na gawing sawsawan o ilahok sa mga lutuin na kailangan ng horseradish. Sa mga inang nagpapasuso ng kanilang sanggol o mister, sapak na pamparami ng gatas ang suwam na tulya na tinambakan ng dahong malunggay. Mabilis ang bisa nito—pamparami rin ng katas ng tubo de turbo, umm, let’s just say malunggay pumps up semen volume.

Nagpasakalye na ang tag-araw. Papainit. Nagsisimula nang magbitak ang lupa. Natagpuan na lang ang sarili na nag-iimbak ng santambak na punla ng singkamas o yam bean, sigarilyas o winged bean, bataw o lablab bean. A glut of has-beens that can’t be made into pork and beans or that bacon-and-molasses ambrosia called Boston baked beans. Natambakan pa rin ng patola’t ube, pati binhi ng kamantigue at Thai basil.

Mabuti na lang, madalas nilalantakan ng mga mayang paking ang mga bunga ng siling labuyo sa kapirasong taniman—kundi’y tiyak na sandamakmak ding punla ng tingala at tungo ang matatambak. Mainam rin na madalas lantakan ng mga alagang pusa (dalawang puti, dalawang itim) ang mga murang bunga ng sitaw o string bean—kami ang nauunahan kundi’y matatambakan pa rin.

Maapoy daw ang taglay na ki ng mga binhi ng halaman. Kapag sumiklab nga’y luntian, walang patumangga’t tila lagablab na hindi maapula-- any patch of earth grins in a lot of green, roars in a serene laughter of flowers before senescence of summer sets in.

Nabanggit ng nakatunggali ng mga kabig ni Adolph Hitler ang ganoong kakaibang katangian ng mga binhi. Taimtim na maglilimi ang mga naturang kabig para hugutin ang ganoong kapangyarihang kinalap at inimbak ng mga binhi mula raw sa lupa. Ni hindi nagtangka ni pinagbuhusan ng isip ang ganoong pagsubok.

Sapat na ang tumatambad na mahika—mula sa samut-saring sangkap ng lupa, may lalantad na makulay na bulaklak na hahaplos sa mata, may mga bunga na may kimkim na tamis na maisasalin sa sikmura.

Tama, talagang nagugulangan kami ng samut-saring pananim. Mula sa malutong na kamuraan, unti-unting gumulang. Naging samut-saring binhi.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...