Skip to main content

Padasal sa patay (2)

NAHALUNGKAT: sa rosarium o halamanan ng rosas pala nag-ugat ang katagang “rosaryo.” Matinik na lunan iyon—hitik sa tinik ang mga tangkay ng bawat humahalimuyak na bulaklak.

Sa halip na lumuhod sa paanan ng dambana, sa piling ng mga tinik, tangkay, at talulot nakagawian yatang maghasik ng dasal noong unang panahon. Baka sa ganoon ding sulok ng halamanan makakalkal ang pinagmulan ng isang sinaunang sawikain. “Walang matimtimang birhen sa matiyagang kumain nang kumain nang kumain.”

Magugunita tuloy ang mga kakatwang tagpo mula nobelang Como Agua para Chocolate ni Laura Esquivel— sumulak sa sidhi ang libog ng bawat lumantak ng putaheng pugo na may salsa mula talulot ng rosas. Pilit ipinagpag ng isang dilag ang utog—naligo pero nagliyab pati ang paliguan, nadarang sa matinding init na sumingaw sa hubo’t hubad na katawan.

Maidadagdag pa ang kuntil-butil ng Doctrine of Signatures mula kay Theoprastus Paracelsus. Saklaw daw ng planetang Venus ang rosas— sakop niyong planeta pati na puson at kasangkapan ng kasarian para humayo at makarami. Pagsuyo’t umuusok sa pusok at tumutusok na pagmamahal ang ititibok sa udyok ng Venus.

Malilimi na may alimuom ng libog na masasagap mula halamanan ng rosas. Hindi naman tahasang makakatkat ang ganoong katangian na umiiral at masidhing isinisingaw sa lunan. Idagdag pa ang sulsol mula kaitaasan na ibubuhos ng kapit-planetang Venus na talagang magpapalagablab sa apoy ng puson.

Kaya pala may matibay na katwiran ang palabirong pari— naikumpisal na kape’t rosario umano ang madalas niyang simsimin. “Rosario, ipagtimpla mo muna ‘ko ng kape!”

Rosarium. Taniman ng rosas. Isinalin ang pangalan ng lunan sa munting kasangkapan sa pakikiugnay ng diwa sa Maykapal. Rosaryo. Mula sa lawak ng tanimang lunan, naging munting butil na lang. Ano pang halimuyak ng bulaklak o tinik sa tangkay ang mauungkat mula sa butil ng abaloryo o kahit pa mamahaling bato?

Pero pinamalagi ang pakay sa taniman ng matinik na bulaklak. Pakay na maglahad, magsaad o magkamit sa ilang misteryo o hiwaga. Hiwaga ng tuwa—ng liwanag, ng hapis, ng luwalhati.

Hiwa kaya o hiwaga ang hinahalungkat at inaangkin niyong pilyong pari?

Alinman, maaari. Sige, ipagdiinan ang huling dalawang pantig.

Pero sa patay na lang yata nakaukol ang pagrorosaryo sa panahong ito. Kapag ganoon ang ukol, tiyak na may bubukol. Ano pa ang kahihinatnan kapag nakikilamay kahit sa dasal lang? Lulutang lang ang alimuom ng libog na sumisingaw sa taniman ng rosas—‘kikilibing…

TV ang nakadambanang panginoon at poon sa yugtong ito ng panahon.

DUSARYO ang nakagisnan kong katumbas ng rosaryo. May mga kataga kasi na napagsasalit-salit ang titik na “d” o “r”—padusa o parusa, madungis o marungis, madagsa o maragsa, madikit at marikit, dumi at rumi, madamo't maramo, madamot at maramot, dusaryo…

“Saka pa lang magdudusaryo kapag hinahagupit na ng delubyo,” anang isa kong abuela noon. Naisip na tiyak na magdudusa ang hinagupit ng matinding bagyo o delubyo, pero bakit ‘kako nadaganan pa, oops, nadagdagan ang “magdudu” ng “saryo?” Kinutusan ako ng abuela saka nilinaw kung ano ang dusaryo.

“A las seis cuando la luz comienza a bajar y la oscuridad fija adentro, cada familia debe recolectar para rogar el rosario, si haya un altar o no. La casa se convierte en una capilla santa. La familia en el rezo es un ritual sagrado que hace punto el cierre de la familia junto y más cercano a Dio. Dusaryo está de alguna manera el término del Tagalog para la rosario Española.”

Ganoon yata ang naging paliwanag ng abuela. Akala ko’y worry beads ang dusaryo. Worry beads are a string of gems, fingered and prayed on one at a time at day’s end to ease one’s worldly cares and worries.

Naiba na ang pihit ng panahon ngayon. Tayo yata ang pinihit nang pinihit na tila talapihitan ng radyo para sumagap ng nakakahiligan o nakakahibangan. Worry beads? Something else, something softer than worry beads I finger at day’s end—and mutter in solemn “give us this day our daily broad…”

Sa patay na lang yata ang padasal ngayon—kahit umaalingawngaw pa ang tinig ng abuela, “saka pa lang magdudusaryo kapag hinahagupit na ng demonyo.”

Demonyo?

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...