Skip to main content

ALTA-PRESYONG MAHAL



Bago po simulan ang ating atungal

Tiyakin po lamang ang ating pagitan--

Isang kilometro, social distancing lang

Upang makaiwas sa Cupit-19 daw!


Tiyakin pong suot ang trapal sa mukha

Nang kapal ng mukha hindi mahalata--

Tayo ay aawit ng pasyon ng madla

Mambulahaw tayo, tumaghoy nang kusa...


Siguruhin na ring Alfonso Pilato

Pang-Hudas ng kamay at sikmura ninyo

Nang mahimasmasan sa pag-awit nito

At pagtampalasan sa sinumang Kristo.


H'wag nang magbibilang kung ilang negosyo

At kung ilang milyon, wala nang trabaho.

Kung kayo'y magutom, pati pamilya n'yo...

Magtiis, magsisi, sulong sa Kalbaryo!


Kung trilyo-trilyones na pirasong pilak

Pambili umano ng bakunang lunas--

Utang ina niyang tayo magbabayad

Fund gimmick po iyan ng mga Satanas...


Alta-presyong Mahal, aawit-awitin

Upang pandarambong ay hindi mapansin

At hindi maungkat fund-gimmick pa mandin

Na pang-ayuda daw sa bayang siniil.


Sa trilyo-trilyones, h'wag na pong magtaka

Kung saan napunta kung kanginong bulsa...

Taumbayan kasi ay tatanga-tanga

Sunod lang nang sunod, hindi umaalma.


Naghanda na sila lubid na buhangin

Ito'y isasaboy sa ating paningin,

No, they won't hang themselves, they won't do such a thing..

Bayan ang binigti ng mga salarin.


Halinang umawit, umawit po tayo

Tayong itinuring na mga tabogo.

Tayo'y umalulong na para bang aso--

Para sa kanilang papuntang impyerno.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...