TAGACATAGA… that trots out a genome sequence spelled in letter codes G, A, T, C-- the blueprint of life, likely, as some inspired geneticists point up, “the mind of God.”
Kutob lang naman na tumatagos hanggang hibla’t himaymay ng laman ang mga kataga na nakagawiang gamitin sa pamamahayag, sa pakikitalastasan, sa paghalukay ng isipan… language is a tool and recent findings show that inept or deft usage of tools can shape the individual within and without… there is formation in in-formation.
Gano’n ang nagkukubling katotohanan sa iginiit ni Lewis Carroll, “we use words, words use us.”
May taga marahil ang mga kataga… kaya may mga tinatawag na pangungusap ng kapangyarihan, words that can unleash thaumaturgy and wonders… words that can heal. Or even kill.
Sa The White Plague ni Frank Herbert, “pinihit” ng isang molecular biologist ang mga c,a,t,a,g,a sa pinakaubod at buod ng himaymay ng laman… saka ipinamudmod sa buong daigdig sa pamamagitan ng perang papel ang binagong kaalaman na tatagos sa laman… at halos nalipol ang mga babae… yeah, there’s gene tinkering in genocide.
Meron din namang iba pang kataga na tumatagos sa kalamnan ng mga dilag… but the likes of this old geezer isn’t inclined to be romantic or rheumatic… baka sa halip na apuntahan ng gayuma, tamaan pa kayo ng rayuma…
Totoong may orasyon o bulong na pampalubag, panglumay… at pampaliyab ng puso’t puson… natunghayan nga ang kalipunan ng mga pangungusap na ‘yon mula sa isang aklat na iniingatan sa kanyang baul ng isang yumaong abuelo… kaya pala humayo’t nakarami kahit hindi matatawag na simpatiko’t kuwago, este, guwapo.
Fahrenheit 451, that’s kindling temperature for paper to burn, ‘yon ang sinapit ng naturang iniingatang aklat ng abuelo… kaya nga noon napaglimi na dapat palang mas matindi pa ang pag-iingat at pagsisinop sa pananalita, sa pangungusap… sa pagtaga ng mga kataga. Dapat palang ingatan hanggang sa puso’t isipan.
Mauungkat din kasi ngayong semana santa ang iba’t ibang katuturan sa huling pitong pangungusap ng Manunubos… sangkatutak na namang sermon at pangangaral ang aalimbukay, lalo pa ngayong matindi’t nakakarindi ang lobbying ng Simbahan kontra reproductive health bill… kailangang bumaru… oops, humarurot kayo nang makarami.
Iba naman kasi ang nahalungkat naming binibigkas sa pagsasanay ng qigong… matatawag din na siete palabras, kabilang ang isa na akma sa reproductive health, para makaiwas sa mga kapansanan at karamdaman sa mga ari-ariang natitinag… kabilang na ang prostate cancer, erectile dysfunction, at kawalan ng katas sa palabas, ehehek, palabras.
Magkatunog ang kataga mula China—paslang, pasilang… life and death denoted by ah, so similar strokes of a picture word whose significance was divined and put to work by a molecular biologist in a Frank Herbert novel…
Kata. Taga. Kataga.
Comments