PINIPILI lang ang ginagaya para maligaya—hindi totoo ‘yung alamat ng ika-100 unggoy na natutong lumikha ng kasangkapan, nagbungkal ng kamote’t nakarami kaya ginaya ng iba pang unggoy… na tinawag ngang monkey see, monkey do.
Gunggong, mangmang at Penoy bugok lang ang hangad na maging halimbawa sila sa kanilang gawa— mas marami nga, ngawa. ‘Hirap sundan ang yapak ni, halimbawa lang, Gautama Buddha… na bawat hakbang, may susulpot na iba’t ibang bulaklak o halamang may pakinabang… pero ganoon ang ‘sarap tularan.
Sa higit 10 taon, parang Kristo na itinulos sa iisang krus ang pagtatanim sa sinadyang lupalop… malawak ang latag ng lupa, pero makitid ang hagip ng lirip at isip—aba’y parang ‘yung kalapit-bahay na sinasaltik ni Dennis Fetalino ng samut-saring lait… ‘yon at ‘yon lang ang ipuputak sa maghapon at magdamag-- kaya walang kuwalta sa bulsa, pulos singaw ng tumbong sa cabeza…
Naungkat sa ‘kin kung magbubuhos ako ng kapital sa binabalak kong pagtatanim ng iba pang gulay—na maisasalya sa lokal na pamilihan… ‘kako’y umaabot sa 80% ng puhunan sa mga gano’ng proyekto’y binubuhusan lang ng pawis… sariling katawan ang ipupuhunan… character is doing what’s been done, past feats done as repeats, ah, that’s merely rephrasing a sage.
I won’t be in it for calibrated yields, optimized profits— Frank Lloyd Wright agrees to what I have in mind, "The thing always happens that you really believe in; and the belief in a thing makes it happen."
Let’s ply out a new word: agrinulture. Laging si Dennis lang ang kinakabahang may mga dilag na kakatig sa silangan at kanluran ang magkabilang hita kapag nagtagal ako saanmang lunan… pero iba talaga ipupursigeng ma-ATM na balak.
Kopya lang ‘to: “Excellent learning condition = Novel Activity—>triggers dopamine—>creates a higher motivational state—>which fuels engagement and primes neurons—>neurogenesis can take place + increase in synaptic plasticity (increase in new neural connections, or learning).”
Learn more, earn more.
Payag ngang gawin ang ginawa na ni Masutatsu Oyama… utaw lang ang pagkain, luhong maituturing ang inihaw na hilaw na saba na ididildil sa bagoong… he developed a technique called “God Hand.” Mine’s something called “Demon Hand.”
Paulit-ulit lang ang ilandang ng mga datos at kaalaman… na nito ngang 2008, katumbas daw ng pagbabasa ng 176 peryodiko sa araw-araw ng bawat tao sa mundo… higit 90% ang inuulit sa mga inilahad, katiting lang ang mga bagong naidagdag sa bulto ng kaalaman…
Mauungkat na naman ang pagsasangla ng kaluluwa para makatuklas ng kaalaman… Faustus the Magus… Solomon born of Bathsheba and King David.
“What shall it profit a man to gain the whole world and lose his own soul?”
Ganoon pa rin ang umiiral ngayon sa ating panahon.

Comments