RIVS, Tolits… ‘tuloy na natin ang proyekto. ‘Labas na natin ang libro… para sa kabataan at kababayang Pilipino sa sarili mang pampang o sa ibayong dagat. Nasulsulan na kasi ang apoy sa ulunan ng panganay naming apo, si Musa… Fahrenheit 451 ! Ibang paglalaro ang sa apo… Iba rin ang paglalaro sa apoy. Pero dapat na tustusan ang gatong sa ganoong liyab. Nalaman namin kusa na siyang nagbubulatlat ng libro sa umaga. Tiyak: Makakagawian na ‘to… At alam naman ninyo ang isa sa tatlong pinakamatingkad na hilig ng mga bilyonaryo saanmang lupalop ng mundo—na natukoy sa pananaliksik ng Forbes Magazine … magbasa… subsob basa ng libro na kung minsan, higit sa apat na oras sa araw-araw. There ought to be something enriching in that so sullen solemn of a habit. Or there must be something as sexy as burying one’s rapt attention between the pages as one does between the splayed thighs of a lover. "You get a lot of 'bang for your book.' It's quite a good return-on-investment in a time of...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.