Skip to main content

With the Demon Hand pray

“WALA kang kuwentang ina!” walang gatol na halihaw ng laway sa nanay.

“Alila ka lang dito, wala kang karapatan. Palamon ka lang namin,” sampal ng salita sa kasambahay… mula sa bibig ng paslit… hindi ‘to tayutay ni pagpupugay sa kawalang-malay na buong tapang na magsisiwalat ng katotohanan… mula kathang The Emperor’s New Clothes ni Hans Christian Andersen.

Napulot sa soap opera, telenovela, at iba pang pantelebisyong halibasan ng halitosis—pati na sa mga kalaro’t nakakatanda na walang pinagkatandaan—ang mga ganoong pampadugo sa tainga na bigwas ng bunganga’t bulwak ng kalaghara’t dura. Idagdag na ang pangkaraniwan nang “Putang ina mo!”

Aral naman sa ama ang anak na babae hinggil sa igkas-bigkas ng mga makahayop at mahayap na salita… kaya bawal na bawal sa apong Musa Rafaela na manood ng mga naturang agos ng imburnal sa telebisyon… mahigpit ang bilin sa mga kasambahay, na nadamay sa nakagiliwan nang The Sound of Music, Les Miserables, at Cats… na paulit-ulit, walang sawang pinapanood sa mga karaniwang araw—pati na Linggo, Pasko’t pista opisyal-- ng apo. Sumasabay na nga ang diyaske kay Lea Salonga sa A Little Fall of Rain… sumusunod pati sa lamyos-kislot ng katawan ng mga tauhan sa Cats.

Sa totoo nito’y nangangamba ang Anghelola na masagap ng apo ang talim, lalim at laswa ng alimuom sa itinatagang mga kataga ng Diablolo… na matagal nang nasagap ng inang Angeli ni Musa mula sa ‘kin… na numero unong salbahe-he-he-he-he!

Sumusunod lang naman sa payo ni Lao Tzu sa Tao Te Ching: “In family life, be completely present.”

Ano bang kalaswaan? Hindi tahasang masambit ang isang bagay kapag ito’y puspos ng kabanalan… aaminin na ang pinagmulang lungga, kepyas, pekpek, puday o anuman ang malaswa raw na katagang inilalapat dito-- dumugo ba ang tainga mo?-- itinuturing na banal ng inyong imbing lingkod… there I came and shall come and come again and again! “But we say a thing is holy if it makes you laugh,” giit ni John Crowley sa kanyang Fantasy Summer.

Silly? That comes from the German “sellig” which also means "ecstatic," "blessed," or "holy."


Kaya tiyak na pati sa panalangin, masasagap ng mga apo ang kakatwang mudra sa paghango’t paghingi ng biyaya—the lethal demon hand of wuyiquan kung fu rather than the putatively Christian clasped palms that shut off the body’s electric circuits… derived from an imitation of being shackled and thought to be the proper way to express submission to divine power.

The demon hand repeats the act of embracing the rood, the Tree of Life, the fusion of the algebraic x and y axes, the Cross of Christ…
malaswa talaga sa tingin ng tanga.

Pero kailangan talagang may masasagap ang musmos na apo mula halimbawa ng isip, salita at gawa… sasanayin ko sila sa wuyiquan.

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...