Skip to main content

Praktis sa lagda

NAGSALABAT na kidlat ang mga ugat sa magkabilang kamay pero sinamang-palad (hindi maryang palad, hane?) na sa kanan nasalpakan ng paru-parong de karayom na may tubong nakakabit sa sampaketeng dextrose—pinaghalong dalisay na tubig, asukal at asin lang ‘to, puwedeng sabaw ng buko’t lalong ubra yata ang lambanog—kaya naging parusa halos ang nakagawiang bisyo, sudoku… crossword puzzle.

Iipitin sa hintuturo’t hindudutdot o hinlalatong daliri (index and middle fingers, latter often does the walking and probing into certain fleshy orifices) ang panulat para mairaos ang pagpuno ng mga titik at bilang sa mga puwang… 15-minutong libangan upang kalampagin sa umaga ang kaliwang prefrontal cortex ng utak… para mawalan ng anumang puwang sa utak ang kahit banta ng Alzheimer’s disease

Ang anghel de la guardia civil na kabiyak ang ingunguso upang lumagda ng anumang kasulatang kailangang lagdaan o susulatan ng mga kuntil-butil. Bokya talaga ang aking medical history maliban sa nakagawiang pagbibigay ng dugo (type A+ na hindi nangangahulugang positive for alcohol, hane?) sa Red Cross tuwing ikatlong buwan, pampabata ng bone marrow, tig-250 ml. upang maisalin sa maraming nangangailangan… dugtong-buhay daw… masaya lang na magkalat ng semilya, este, dugo nga pala.

Saka mas nakagawian, nakagiliwan nang lagdaan ang sariling by-line na ang nakasaad, PAY TO THE ORDER OF

Katumbas nga pala ng mudra o masagisag na pagsisinop ng mga daliri ang paghawak ng pluma sa anumang pagsusulat-kamay… nabubuo sa taimtim na sulat-kamay ang mudra ni Kubera, bathala ng kayamanan… anumang hilingin habang nagmu-mudra ni Kubera, natutupad... lalo na kung ukol sa pagkakamit ng mga ari-ariang materyal at salapi… at iba pang pinagnanasaan. This mudra—a coup de grâce blow in hung-gar kung fu-- decongests the frontal sinuses…

Nagsasanib kasi ang lakas ng hintuturo (symbolic of Jupiter for opulence, generosity, growth, luck, desires and honor), hindot, oops, hindudutdot nga pala (Saturn, spiritual communication, self-discipline, fixation on the essential) at hinlalaki-- hindi hinhin ng babae kundi hinhin ng lalaki na kinakatawan ng bathala ng digmaan, Mars for endurance, courage, fast action, politics, leadership, higher education and lust…

Sa panahon ng cut-and-paste technology, pambihira na ang magtitiyaga pa na sinupin ang mudra ni Kubera… o tahasang sulat-kamay ang makakagiliwan upang magsalansan ng mga kataga upang maantig ang pre-frontal cortices ng utak, upang maantig na magsanib pati ang kapangyarihan ng mga bathala…

The hand is faster than the thigh… and the eye.

Giit nga ng isang paham, “the hand is more important that the eye… the hand is the cutting edge of the mind.”


Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...