BALIBAG- TEXT : “Wg mo madaliin bos ung buk. Take ur tym. Writer ka.” Sent: 31-Oct-2008 14:19:43 S ALA’AM at salamat sa payong katoto. Iba ang nakikinig sa mga hiling ng sariling katawan, lalo sa tulad kong pagsasalansan ng mga kataga— logos na may rhema (kaakibat na poder o kapangyarihan sa pagbigkas) o baka rayuma kung hindi gayuma-- ang kabuhayan… salamat din sa paanyaya sa pagsalunga muli sa bahagi ng Sierra Madre sa dakong loob ng Montalban… para isalong at maipahinga ang mga pasanin sa isipan. Kayang ibsan ng kabundukan ang mga ganoong dalahin. Nabanggit ng panganay kong anak na kabilang sa mga aklat na binasa niya sa mga natipon ko ang “Necronomicon”—kalipunan ng mga patay na panalangin at pangalan. Karaniwang nakapagitan sa Bibliya, Koran, at Bhagavad-Gita ang naturang aklat. Para maibsan ang kakatwang alimuom nito mula sa samut-saring sagisag ng mga limot na bathala at mga nakalahad na mga panalangin at pangalang nakapaloob doon. An instructor from one of the leading state u...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.