BALIK-TANAW: Humingi ng saklolo si Rodolfo Noel “JLo” Lozada Jr. sa kanyang hepe sa Department of Environment and Natural Resources, kay Secretary Lito Atienza para makaiwas-pusoy ang una sa pagdinig ng Senado ukol sa maalingasaw na transaksiyong ZTE-NBN—nahirang ng NEDA ang JLo bilang technical consultant sa semplang nang proyekto.
Pangulo din noon si JLo ng Philippine Forest Corporation. Na saklaw ng DENR, kaya talagang kay Lito Atienza unang dudulog ang Lozada para maghinga ng mga problema—kung baga sa militar, ugnayan ng commanding officer at field operative, isasaalang-alang ng pinuno ang kaligtasan ng kanyang tauhan sa larangan, saanmang laban…
Kay Atienza isinumbong ni JLo na maraming nagbabanta sa kanyang buhay—kinakabahan na siya. Pinayuhan ang huli na magtungo sa Hong Kong saka tumuloy sa isang pandaigdigang pulong sa London habang naghahanda ng mga hakbang para mapangalagaan ang kaligtasan ng JLo. (Teka muna, hapit na kapit at katakam-takam-takam-takam, tambok talaga tumbong ng Jennifer Lopez at sa tuksuhan ng mga paslit nitong nakalipas na panahon, “Sumbong, sumbong, haba-tumbong.”)
Lumilitaw na nakikipagkita na pala ang JLo kay Sen. Panfilo Lacson noon pang Disyembre 2007 pero hindi na naungkat kung anu-ano ang mga paksa at pakay ng kanilang pag-uusap.
Matapos maihinga ng JLo ang kanyang mga pangamba, nagmalasakit naman nga ang Lito Atienza—agad na tinawagan si PNP Chief Avelino Razon para humingi ng tulong upang pangalagaan si JLo.
Parang sa telenovela ang pagpihit ng mga kasunod na pangyayari—kinasuhan ni JLo ng pagdukot o kidnapping ang mga nagmagandang-loob na Lito Atienza at Sonny Razon, tsk-tsk-tsk…
Hindi man nagsampa ng kontra-demanda, sumama ang loob ng Atienza sa isinukli sa kanya ng kanyang kinalinga. Pakiramdam niya, “nilapastangan” siya niyong nagpagibik, humingi ng saklolo. Para bang sumagip sa nalulunod-- nang aabutin ang kamay ng sisinghap-singhap para masagip, sinapak ng sinasagip ang nagtangkang sumagip… pinalabas sa demanda na nagsabwatan ang Atienza at Razon para dukutin ang JLo. Namputsa talaga, oo.
Nataranta marahil ang JLo. Talagang nakakakilabot kapag nasangkot sa umaalingasaw na transaksiyon tulad nitong ZTE-NBN, napakahirap mag-back off kahit na bulyawan o sigawan pa niyong suminghal daw kay Joey de Venecia. Kaya hindi na matukoy ni mapagsino kung alin ang kaibigan, kung sino ang talagang kalaban…
Ni wala ngang kaalam-alam ang Atienza, ayon na mismo kay JLo: “Pumunta ‘ko kay Secretary Atienza. Si Secretary Atienza hindi naman alam kung ano ang kinalaman ko rito eh.”
Magulo talaga ang panahon ngayon—kung sino ang nagmamalasakit, ginagantihan ng pasakit.
Pero nasusubok sa kagipitan ang tunay na kaibigan.
Makabagong salawikain: “Ang taong nagigipit sometimes may cling to a nun’s habit.”

Comments