Skip to main content

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan...

MATAGAL ding kinimkim sa puson ang naghuhuramentadong pagnanasa kay Merle Fernandez sapul masilayan ang kanyang nakatiwangwang na alindog—that doesn’t translate as clueless dog in rear entry coition—sa pelikulang Uhaw mula panulat ni Mars Ravelo. Hangad po ng pitak na ito ng sandamakmak ding bihis at paulit-ulit na gayak sa naturang katha kaysa walang latoy na pakikipagsapalaran ni Darna. Mas likas at kapani-paniwala kasi ang pakikipagdaupang-ari kaysa mahirap paniwalaang pakikipagsapalaran na tinambakang tila Payatas ng sangkaterbang computer generated images.

Palaging hinihimod ng tingin maging sa bumabahang panaginip—read: downpouring wet dream-- ang mga burol, parang, singit at sulok ng hubad na lunan ng katawang inangkin na sa isipan, naging bahagi ng marikit na dekadang 1970. Ginagamit nga pala ang katagang ‘marikit’ kaugnay ng pagpapaliyab sa siga, pagsisindi ng apoy sa pagluluto. May pahiwatig ng pagliliwanag at paliwanag sa karimlan. May pagpukaw sa init at alinsangan. May anyaya sa lagablab. Lihim na naglalaro ng apoy ang katagang ‘marikit.’ Kaya sa lahat ng putaheng natikman, nilantakan at ninamnam tulad ng mga inampalan sa Iron Chef—wala talagang tatalo sa linamnam ng luto ng diyos.

Tiyak na lumipas na ang asim ng pinagnasaan noon. Napapanis din ang ulam kahit dati’y katakam-takam.

May nakapagsabi na pagbebenta ng mga kasangkapang antigo na ang pinagkakaabalahan ng sinasambang sex goddess. Bihira ang may panlasa’t mapagtanging pagtingin sa mga pinaglumaang kasangkapan, lalo sa panahong umiiral ang programmed obsolescence—maikli lang ang taning na panahon sa pagiging uso ng anuman. Disposable lighter, disposable diapers, disposable cameras, disposable relations.

Mula sa bulag na Zatoichi, isa sa mga popular na karakter ng dekada ’70 ang ganitong pananaw: “Sampung taon ako nang tuluyang mabulag. Bago ako nabulag nakita ko pang hubo’t hubad ang aking ina na 28 taon noon— malaman ang suso, malago ang buhok sa pagitan ng hita, wala na siya. Pero hindi siya tumatanda, hindi rin nawala, laging kaibig-ibig sa aking paningin. Kahit wala na akong paningin.”

Tubuan man sa utak ng kuliti—not the singular form of the thorny amaranth, kulitis-- ulitin lang ang ganoong kakatwang pahayag ng bulag para sa sex goddess– ituturing marahil na tulad ng kasangkapan mula sa malayong nakaraan-- na nagpunla ng apoy sa aking puson. O kahit na hirit ni Bono ng U2: “Time won’t leave me as I am. But time won’t take the boy in this man.”

Sa Sariaya, Quezon pa namin naapuhap ang mga upuang batibot—nabili ng P50 sampiraso noong dekada 1980. Baka mas matanda pa sa akin ang mga sangkap na bakal at kahoy ng mga naturang upuan. Nagpasalin-salin na marahil kung kani-kaninong pamamahay, naging bahagi ng kanilang pamumuhay, mula sa mga nakalipas na hindi ko kailanman napagdaanan. Mga buhay na reliko ng napakahabang daloy ng panahon—at kapiling pa rin namin, bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay sa inaangking panahon.

Maganda sanang katerno ng mga batibot ang inaawitang four-poster bed ng dating katoto mula sa UP Conservatory of Music na taga-Cardona, Rizal. Nang huling maungkat ang naturang antigong kama—tiyak na sapin-sapin, suson-susong sumpaan at harumpakan sa napakahabang daloy ng mga taon ang naganap doon—hindi na raw ipinagbibili. Malalim na buntong-hininga’t panghihinayang. Umaapaw, bumabaha sa gunita’t panahon ang naturang kasangkapan.

Palimos naman ng panahon!

Bigyan ng sapat na panahon?

Isa sa mga taon ng dekada 1980 nang mapanood ang isinapelikulang nobela ni Stephen King, ang Langoliers. Nilalamon ng mga naturang halimaw mula kung saan ang mga nawaldas at sinayang na sandali, oras, panahon. Kasamang nilalamon ang mga nagsasayang ng panahon.

Kimkim marahil sa bawat hibla’t himaymay ng mga antigong kasangkapan ang pagkalagas ng mga sandali, oras, araw, buwan…

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi na tinitigasan—may erectile dysfunction. Those who cannot learn from history are dumb to repeat it.

Tig-24 oras lang naman ang kaloob na panahon sa isang araw. And I’d like to spend maybe invest such too little time with those that I love, things and activities that are meaningful to me. I won’t spare a bit of such precious time with those that waste my time.

Short time, tatay,” alok ng nadaanang pokpok sa Maria Orosa, Ermita.

Next time, anak,” pakli sa nag-alok.

Mamahaling antigo na ang tingin ko kay Merle Fernandez. Classical music na tila obra ni Johann Sebastian Bach. Nakakakiliti. Masarap. Masabaw. Kimkim pa rin sa maliyab na gunita ng naghuhuramentadong puson.

Na ayaw pa ring palipasan ng panahon.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...