Skip to main content

Suma-total, eh, ano ngayon?

NAKAGILIWAN din namin ang papugak-pugak na alagwa ng awit ng katotong Eleazar Somera Lopez sa kanyang palatuntunan sa 774 khz. Kung hindi daplis na tula, tiyak na sapol na tuya. Ganoon ang katangian ng mga patama ng Java— naibansag sa kanya ng isang kasama sa hanapbuhay at kabungguang bote.

Walang nangahas bumuntot sa ganoong kasistehan sa panunuligsa’t paglalahad ng kuro-kuro. Ni hindi timplado sa lamig o nakatono ang boses na parang humahagod sa likuran o kumakalikot-nanunuot sa hinaharap na masarap. Parang nasunod ang tagubilin ni Bono ng U2 sa matinong awitin, “All you need is three chords and the truth.” Walang mahugot na sinuman ang 774 khz para punuan ang naiwang guwang sa himpapawid ni Java.

Naikumpisal sa kanya noon na kabilang ako sa isang pangkat ng mga pusakal na alaskador kontra rehimeng Marcos, ang Los Enemigos. Tahasang mga kaaway ang katuturan niyon. Mga yawah. Nakasungkit minsan ang pangkat ng gawad mula Catholic Citizen’s Mass Media Award— award-winning na mga putahe’t pagkain na sapilitang isinasalaksak ng mga kampon ng MalacaƱang sa sikmura’t lalamunan ng taumbayan. Kakanin ang “utang sapin-sapin.” Ulam ang “daing ng bayan.” Nalimutan na ang iba pang kakalaykay sa sikmura’t kikiliti sa lalamunan.

Madalas na lapatan ng karumal-dumal na titik ang mga popular na awitin. Para umangkop sa mga napapanahong usapin.

Nabigyan pa nga ng pitak sa Inquirer ang Los Enemigos. Minsan sanlinggo ang labas. Paminsan-minsang natotokahan para sumulat ng naturang pitak— hanggang sa maubusan yata ng apoy sa puson. Wala nang makalkal na baga na muling mapapaliyab sa abo ng dating silakbo. Naging pilit at pilipit na ang mga panunuya’t panunudyo sa mga tiwali’t katiwalian, sa mga bulok at kabulukan.

Hanggang tuluyang nabaklas ang pitak ng Los Enemigos.

Ibang larangan ang radyo. Natunton nga minsan ng isang station manager. Bibigyan daw ako ng kayod— na akala ko’y sariling radio program. Madali lang daw ang trabaho—isusulat ng tig-isang editorial o pangulong tudling ang tatlo nilang anchor. Araw-araw. (Baka makalbo ako sa ganoong takal ng trabaho.) Maganda raw kasi ang ilandang at halihaw ng wika sa tudling na ito, Mangkokolum. Noon nga’y binabasa pa raw niya ang kabuuan nito sa kanyang palatuntunan. Ibig na mahawa ang tatlo nilang hard-hitting anchor sa paraan ng pagtilad sa usapin dito.

Halos apat sa bawat limang taga-Metro Manila ang umaasa sa radyo para sumagap ng balita, kaalaman, pati kagunggungan na kailangang i-memorize ‘yan. Ipagpaumanhin na hindi kailanman naging tagapakinig ng dalawang pangunahing himpilang radyo sa bansa. Naging masugid na tagasubaybay kami ni Java sa kanyang Suma Total: Eh Ano Ngayon? na masasagap mula ikawalo hanggang ikasiyam at kalahati sa umaga. Kasi’y matagal na naming pamantayan sa pag-uulat at pagsusulat ang ganoon. May tinatawag na the husband with four wives (who, what, when, why, how) na paraan ng pag-uulat—na matagal na naming naibalibag sa kangkungan noon pa man.

Nakabuntot kami sa isang pansariling pamantayan. So what? What for? What then? What else is new? How come? Higit na tutumbok sa katuturan o kabuluhan at kapakinabangan para sa madla ng anuman o alinmang ulat. Kasi nga, itinuturing namin na isang anyo ng likas-yaman ang papel, tinta, at kuryente. Hindi dapat sayangin. Hindi dapat aksayahin.

Why the heck should we spend precious time and costly electricity on idiots and cretins? Ganoon din nga pala ang naging pamantayan namin sa sinumang makakasama sa inuman o huntahan.

Sabi nga’y mas may pakinabang marahil sa gagamiting 50,000 watts ng elektrisidad para makapagsahimpapawid ng mga kuro-kuro at anumang ilandang ng kukoteng kabisote kung gagamitin na lang sa silya elektrika’t isasalang ang mga walang latoy at walang alam na mga anchor sa radyo. Whew, ang haba niyon ah!

Nakatutok kami ngayon sa mga recast ng Deutsche Welle Radio sa DZFE 98.7 na nagsasahimpapawid ng classical music. Matagal na naming nakahiligan ang mga obra ni Antonio Vivaldi— his is the sort of music for remembering breath-taking moments that you can’t bring back. Gustong gusto namin ang malanding paglalaro ni Johann Sebastian Bach sa mga paksang spiritual. Matindi sa pandinig ang kaigtingan ng mga gawa ni Franz Schubert— nakakalibog. Hindi lang naman sa pandinig tumatagos ang musika’t anumang tututukan ng tainga. Sumasangkap kasi pati sa ikid ng isipan.

Madaling maipaliwanag ang dahilan. Eleazar Somera Lopez was a classic, too. He did a lot of homework before he goes on air. He could also go off the cuff or off the beam but he had a firm grip on whatever he’s tackling. One and a half hours of daily output on the air can entail a lifetime of inputs.

Kaya mahirap maghagilap ng pupuno sa kanyang sapatos at tatahak sa mga landas ng kanyang kaisipan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...