Skip to main content

Lagay ng panahon

KABILANG yata kami sa natutuwa sa ulat ukol sa nagbabantang sungit ng panahon— iyong ulan na may kasabwat na mga kulog at kidlat. Lalo na kapag tuloy lang ang banta.

Inaasahang hahagupit ang buhos ng La Niña ngayong tag-araw. Tinatayang dalawang buwan ang singkad. Maulap. Maulan. Karaniwang sa mga dakong hilagang silangan ng kapuluan, mga bahaging nakaharap sa Pacific Ocean, nakalilim sa anino ng mga kawing na bundok Sierra Madre. Doon karaniwang nagsusungit ang panahon.

“Masungit” ang nakagawiang taguri sa tila alkitrang dagim sa papawirin—na nauuwi sa bayo ng bagyo’t baha. Pero kailangan ng madalas na hilamos ng ulan at lamukos ng unos sa Sierra Madre. Para may makalap na tubig na itutustos na 90% ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila at patubig sa mahigit 5,000 ektarya ng gulayan at palayan sa ilang lalawigan ng Gitnang Luzon. Kabuhayan ang katumbas ng “masungit” na panahon.

Magugunitang may ilang taon na dumanas ang Metro Manila ng tagtuyot at kakapusan sa tubig. Kulang sa tubig? Mababaho tayo. Todo saganang tubig—mababaha tayo.

Hindi marahil tayo kakapusin sa tubig kung huhulagpos sa dating pihit ang mundo, sabi nga’y kung magkikibit-balikat si Atlas na pumapasan sa daigdig. Iglap na napalayo sa anggulo na todo-paligo sa araw ang mismong tropiko. Nalipat ang axis (say, from a meeting point in the x and y axes to a new point) ng daigdig. Dating daigdig, bagong kalagayan na magtatakda ng panibagong panahon. Sige, mangarap tayo!

Lipat pati equator—and we’re equated off that sun-scorched zone. Biglang-bigla nahanay bilang temperate zone—apat na panahon na ang iiral sa Pilipinas! Sa taglamig, maiimbak ang milyong toneladang yelo sa kabundukan ng Cordillera, Caraballo, Pinatubo, Arayat, Makiling, Sierra Madre’t iba pa. Kahit pa tag-araw, mananatiling nakaimbak ang yelo sa tuktok ng mga naturang kawing ng bundok—unti-unti lang na matutunaw para ipantustos sa kapatagan. Lutas na lubusan ang water shortage sakaling magkibit-balikat si Atlas…

Baka hindi na rin tayo magkukumahog sa mga lupaing may niyebe para humimod ng greenbacks, green card, at greener pastures.

Ah, love of one’s homeland manifests in two extremes. One’s so-called patriotism, the refuge of rogues, scoundrels, and scalawags. Symptoms of such pestilence may include, as shown by a fine gentleman, the offer of legal counsel and unstinted support to a boxing icon who sired a love child but has given much pride, touched off a unity of couch potatoes infesting the country.

The other extreme is honest-to-arcane agronomy which reasonably rhymes with astronomy. The odd patterns of stars and planets, the shifts in phases of the moon are taken into account in tending to crops while nurturing soil fertility.

This affliction’s extreme. Yet, is oddly benign and often the warren of hermits, Cistercian monks, dogs of God called Dominicans, lamas, and a melange of oddballs whose lips are shut most of the time to allow the hands, heart, and head to gambol in the currents of earth. Their sense of humus, being human and humor can be a contagion.


Silang nagsisinop ng lupang kanilang tinitindigan ang kadalasang nakasubaybay sa pihit ng panahon, pati na ang pagbabasa sa anumang nakasaad na kalatas sa kaitaasan. May panahon para sa lahat ng bagay, sa bawat gawain.

Marahil, nagsisimula ang matinong paninindigan sa pagyayaman at pangangalaga ng mga mapapakinabangan sa kahit kapirasong lupalop na kinatitindigan. Hindi na sila tatanaw saanmang ibayo upang maghagilap ng higit na lunting pastulan. Sisinupin nila ang sariling lupain.

Sa sariling sinop at sikap lalawak ang luntian sa kanilang paligid. The grass could be grown greenest in this pasture.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...