Skip to main content

Kung salanta o nanlalata ang batuta...

PITO sa bawat 10 lalaki sa Asia ang madalas na mas malata pa sa kutsinta ang batuta— kahit nakatutok sa pinagmulang lungga, nanatiling salanta.

Iniulat sa bansa na umaabot sa 300,000 ang reseta ng mga doktor bilang panlunas sa nanlalambot na singkapan ng kalalakihan.

Ikinumpisal man ng karamihan sa kalalakihan ang lupaypay na lagay ng kanilang kasarian, matindi pa rin ang halihaw ng katanungan— kaya ba ng kanilang bulsa ang halaga ng Viagra (higit na kilala sa tawag na Sildenafil Citrate, ang asul na saklolo ng mga mahilig na lolo)?

Pansinin na ang talagang kinasasabikang bahagi ng katawan ng lalaki sa dakong ibaba ng baywang -- ang bukol ng paldong bulsa.

Humagulgol: 100 mg pildoras, P738. 50 mg=P578 (mas mahal pa kaysa samputok na pakikipagdaupang-ari sa mga mapupulot na pokpok sa Quezon Avenue, Cubao o Avenida.) Kapsulang 25 mg, lalantak ng P370 sa bulsa.

Karaniwang sinusuri muna ng doctor ang kanilang pasyente bago lapatan ng angkop na bulto ng Viagra.

Delikado kasing isabay ang Viagra sa ibang gamot—lalo na sa mga pansakit sa puso o may sangkap na nitrates.

Kabilang sa mga hindi kanais-nais na sipa ng Viagra: sakit ng ulo, pamumula ng mukha at sirang sikmura.

Matapos inumin, halos 14 minuto bago tumadyak ang bisa ng Viagra—at tatagal ang tikas-tigas ng hanggang apat na oras.

Sa mga edad-60, 50 mg. at mula anim hanggang walong kapsula.

Sa mga higit 60, 25 mg. ang inirereseta, ayon sa ulat.

Mas tipid kaysa Viagra ang diskarte sa pamumuhay na malusog para mapanindigan ang utog.

Iwas-yosi, iwas-toma, kumain ng mga masustansiyang pagkain, ensayo para mapagpag ang mantika sa katawan— para manatiling matikas ang paninindigan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...